Tuesday, October 11, 2011

Kwentong Laruan

♫Laruan! Laruan! Ingatan ang inyong... Laruan! Laruan! Ingatan ang inyong!♫ lols. Katawan pala yung tamang lyrics. 

Ano ba ang laruan? Alam naman natin na ito ay kung anong bagay na nakapagbibigay saya at aliw sa mga bata-batutang isang perang muta. Alam ko masyadong komplikado ang salitang laruan pero kung pinasimple, eto ay bagay na nagbibigay ligaya sa mga bata at isip bata.

Kung ikaw ay mapapadpad sa isang bilihan ng laruan, mapapansin mo madaming kategorya ang laruan. May pang-sanggol, meron pang mga bata hanggang pitong taon. May mga laruan na pang mga tinedyer o yung mga nasa edad 12 hanggang 18 (sige, isama mo na ang 19). At syempre, may mga laruan na para sa mga nasa wastong isip edad 20 pataas.

Kapag ako ay nasa tindahan ng mga laruan, may napansin lamang ako. Ang mga laruan na para sa mga babae ay limited habang mas madami ang laruan na para sa kalalakihan.

Sige, para mas malinaw, bibigyan ko kayo ng mga halimbawang laruan para sa sari-saring edad at para sa kasarian.

1. Sa mga bata na nasa edad 1 hanggang 3, kadalasan ay unisex toys o mga PWEDE toys. Pwede sa babae at pwede sa lalaki. Kadalasan mga laruan makukulay at gumagawa ng ingay ang mga ito. Sabi sa mga libro, ang mga laruang pang mga sanggol ay para mahasa ang kanilang kakayahang kumilala ng mga kulay, hugis at tunog.


2. Kapag ang bata ay nasa edad 4 hanggang 7 (uhugin days), dito na magkakaroon ng pagkakaiba ng pagpili ng laruan ang batang babae sa mga batang lalaki.

Madalas, sa mga batang babae, dito na mag-uumpisa ang hilig sa mga laruan manyika. Syempre, dito din papasok si Barbie. Meron ding mga bata na hilig sa laruang pang-luto-lutuan o kaya bahay-bahayan.


Para naman sa mga lalaki, maaring mahilig sila sa mga maliliit na bola ng basketball o kaya naman ay sa mga robot o mga bangka at eroplanong laruan.


Madalas naman na ang magkaparehong laruan ng lalaki at babae ay ang mga bisikleta na may training wheels o yung may apat na gulong. 


Possible din na kung ang bata ay nasa pamilyang masa, ang laruan nila ay mga teks, holen, pogs at kung anong maaaring mabili sa tapat ng paaralan.

3. Kapag umabot na ang mga bata sa edad na 8 hanggang 12, dito ay mag-iiba padin ang mga pinipiling laruan.

Sa mga nene na nagsisimula ng pumasok sa paaralan, dito ay meron silang mga jackstone, jumping rope, chinese garter, paper dolls, stuff toys at mga gamit na pampaganda o mga pa-kikay toys.


Sa mga bagets na lalaki, ang nauusong laruan ay mga kotse-kotsehan na pang karera, mga yoyo, trumpo o beyblade, mga laruan na may kinalaman sa mga napapanod nila sa telebisyon na merong bersyon na laruan.



Madalas na magkaparehong laraun ng mga nasa edad na nabanggit ay mga electronic games katulad ng Family Computer (uso pa ba to sa kabataan ngayon?), Playstation, Gameboy, at NDS.


4. Sa pagsapit ng pagdadalaga at pagbibinata ng mga dating batang paslit (13-19),  nagbabago din ang laruan na kanilang natitipuan.

Sa mga dalaginding, kadalasan ay mga kikay things na ang kanilang pokus. Minsan isama mo na ang hilig sa stuff toys at mga bagay na may kinalaman sa paborito nilang character. Maaring mga bagay na may kinalaman kila Tweety, Pooh, Hello Kitty, Puki Pucca at iba pa. 


Para naman sa mga binate binata, maaaring may kinalaman na sa sports ang nais. Mga basketball, tennis at soccer (kahit na anong may kinalaman sa balls). May ilan na possible na mahumaling sa mga action figures at gadgets.


Electronic games padin ang possibleng pagkakapareho ng dalawang panig. Pero sa mga panahon ngayon, ang nasa isip kong alam laruin ng mga kalalakihan ay ang sariling ari o katawan ng babae at para sa mga babae naman ay nilalaro nila ang puso at isip ng mga lalaki. Pero pareho ata silang mahilig maglaro ng apoy. wahahaha. Biro lang.

5. Pagsapit ng edad 20 pataas, dito na madalas ay makikita na ang laruan ay mas kinahihiligan ng kalalakihan kaysa sa kababaihan.

Kung hindi kinati at hindi pa nagiging magulang ang isang babae sa edad na 20, madalas ay pakikipag-relasyon na ang pinagkakaabalahan nila kaysa ituon ang isip sa laruan. Bihira na lang ang mga babaeng may hilig pa sa pangongolekta ng mga laruan. Sila ay kadalasang nahuhumaling na sa mga sapatos, bag at gamit pampaganda.

Sa mga lalaki naman ay tuloy ang bisyo sa laruan. Merong mga lalaki na humaling sa gadget toys tulad ng mga X-box at Nintendo Wii. Meron ding mga lalaki na nangongolekta ng mga action figures katulad ng mga Marvel figures. At mayroon din na tinatawag na toys for the big boys (di ata kasama ang sex toys dito. wahaha). 




Ikaw? Ano bang laruan ang napasakamay mo? Maari ka bang magbigay ng halimbawa?

******************************************************************

Ang post na ito ay aking lahok para sa Saranggola Blog Awards 3 (blog- freestyle)


note: Ang mga larawan na ginamit sa post ay hindi ko pagmamay-ari at nakuha gamit ang google search.

9 comments:

  1. title palang, alam ko ng entry ito sa SBA hehehe. ayos! :D

    ReplyDelete
  2. gusto ko yung dulo, congrtas sa entry mo

    ReplyDelete
  3. Hahaha, sabi ko na nga ba (last pic) pupunta dito eh. Hehe, nakilimutan mo isama ang mga "adult toys!" kung ano yon? adults lang ang may alam. Bata pa tayo...

    ReplyDelete
  4. hahaha grabeng pahabol ito ah.. heheh pinaghandaan talaga...

    ReplyDelete
  5. wala dito ang laruan ko.. nasaan kaya? Lol


    Good luck sa entry mo, khants! :D

    ReplyDelete
  6. yung lego namiss ko din! (^_______^)Yung Pogs, Yung tex, yung tautauhan pan taching, yung goma pang chinese garter. hahah! sorry po, batang dukha ho ako eh. Sana mai-feature nyo po minsan.

    ReplyDelete
  7. @bino, uu, pamigay na ung clue

    @kikilabotz, hahah, tnx

    @rah, medyo hulsam e

    ReplyDelete
  8. @kikomaxx. salamats

    @empi, anong toy yun?

    @monik, sige, next time, feature ko

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???