'O anak, saan ka ba galing?' Pag-uusisa ng ina ni Kino.
'Dyan lamang po inay sa tabi-tabi!' Sagot ng bata at dali-dali namang umakyat ng hagdan at dumiretso sa kanyang silid. Marahang sinara ang pinto, at nagmadali sa higaan upang kunin ang kanyang laruang na nakatago sa bag.
Kanyang inilabas sa bulsa ng bag ang isang laruang gawa sa kakaibang plastic. Isang pigurang laruan ang kanyang hawak. Isa itong lalaking nababali at nagagalaw ang mga kamay at paa. Mayroong kakaibang kintab ang damit na suot ng tao-tauhan na hawak ng bata.
'Lumabas ka na dito Wolvy at magsisimula na ang iyong pakikipaglaban sa mga pwersa ng mga anik-anik!' Pabulong ng bata sa laruang si 'Wolverine'.
Kasabay ng paglalaro ni Kino sa laruang 'X-Men', inilabas niya ang ilan sa mga laruang nakatago sa tukador ng silid. Ginawa niyang partner ni 'Wolverine' ang laruan ng kapatid na si Berbie (isang imitasyon na Barbie). Ginawa niyang kalaban ang mga laruang mumurahin na may mga bangas at sira.
'Ako si Wolvy, halika dito berbie at tayo ay maglalakbay! Proprotektahan kita mula sa mga impaktong laruan!' Masayang pagsasalita ng bata habang nilalaro ang kanyang hawak na laruan.
'Ilayo mo nga sa akin yang chaka na gerlay na yan!' Isang boses ang narinig ng bata.
Nabigla si Kino sa kanyang narinig. Tumingin sa paligid kung nasa loob ng kanyang silid ang kapatid. Sinilip niya ang bintana at baka nandoon ang mga kalaro na nais lamang siyang lokohin at biruin. Wala! Wala siyang makitang tao na pagmumulan ng boses na nadinig.
'Ano ka beng? Alisin mo nga ang hampaslupang pangit na manikang yan sa harap ko! Now na! As in!!!!' Narinig nanaman ang parehong boses kani-kanina lang.
Napalingon si Kino sa hawak na laruan. Tinitigan niya si 'Wolverine' at halata sa mukha niya ang pagtataka kung sa laruan nga galing ang boses na narinig.
'I...Ikaw ba ang nagsalita Wolvy?' nangangatog na tanong ng bata sa laruan na hawak hawak.
Gumalaw ang mga kamay ng laruan at animo ay nagpupumiglas sa pagkakahawak ng bata. Nabitawan ang laruan at nahulog sa sahig. Makalipas ng ilang saglit ay biglang tumayo ito ng kusa at tinitigan ang batang tila natulala sa pangyayari.
'Hindi! Hindi ako yung nagsalita! Tumahol ako! Baw-waw-waw!!Bwahahaha! Natural ako ang nagsalita!' Banat ni Wolverine.
Namutla ang bata sa nakita at nadinig, Ang laruan na kanyang hawak at kanina ay kinalilibangang laruin ay gumagalaw at nagsasalita.
'O, ano? Natulala ka na at naging tuod? Ano ka poste? Di ka na kikilos? Ano gagawin natin? Charades!! Pinoy Henyo?? Huhulaan ko nasa isip mo???' Sabi ng laruan.
'A.... e..... ka.....' nauutal na sagot ng bata pero nagsalita nanaman ang laruan kahit di pa tapos ang nais sabihin ng bata.
'Ano ka baby? A..E...I...O...U.... Ka...Ke..Ke...Ko...Ku!!! Ayusin mo yang dila mo at magsalita ka nga ng tuwid!!!' Pamalditang tugon ng laruan.
'Nakakapagsalita ka talaga Wolvy? Ikaw talaga ang nakaka-usap ko?' tuwid na tanong ng bata.
'Bakit??!! Bawal??!! Masama??!! May batas na bawal magsalita ang laruan?!!! Kalokang bata!!!' , medyo inis na tugon ng laruan.
Kinurot-kurot ng bata ang pisngi at sinampal-sampal ang muka sa pagbabakasakali na panaginip lamang ang nasasaksihan.
'ARAWTS!! napasigaw ang bata.
'Hoy, batang ewan, hindi ka nananaginip! Wag mo ng saktan sarili mo dahil ako ang mananakit sa iyo kapag di mo itinigil yang ginagawa mo! Makakatikim ka ng 'Berserker Barrage' ko!!!' Wika ng mataray na laruan.
'Sige, titigil na ako. Teka, bakit ayaw mo bang kalaro si Berbie? Maganda naman siya a.' Patanong ng bata.
'E hindi ko siya type! Hindi ko sya feel! Hindi kami bagay!' Napataas kilay pa si Wolverine habang sinasagot ang tanong ng bata.
'Sige. Kung yan ang gusto mo. Maglaro na lang tayo kasama ang mga iba kong laruan. Pumili ka pa kung gusto mo!' Ang patanong at paanyaya ni Kino.
'hmmmmm.... Sige, pwede na yang 'Porsche' na sasakyan. Sosyal yan at bagay sa aking mataas na uri ng laruan. Isakay mo ako dyan!' wika ni Wolverine.
Sinunod ng bata ang nais ng kanyang nagsasalitang laruan. Hinawakan niya ito at pinaupo sa ibabaw ng pulang sasakyan na may simbolo ng kabayo.
'Ano pa? May gusto ka pa bang gagawin natin para makapaglaro?' Usisa ng bata.
Tumingin sa paligid si Wolverine at tiningnan ang iba pang mga laruan na nasa paligid. Isa-isang kinilatis ng pihikan na laruan ang mga nakikta habang nakapamaywang at nakataas ang isang kilay.
'Wala na! Ang chachaka ng mga nandito. Hay. Sana andito ang aking iniirog at iniibig na si 'Cyclops.' Sana ay narito din ang aking kumare na si 'Storm'. Ano ba kasing ginagawa ko dito sa lugar na ito?' sabi ng laruan.
'Ang arte-arte mo naman!Feeling ka na masyado!' Sabi ni Kino.
'You can call me whatever you want, snake, bitch or other man. but i promise you, i will never be a pathetic boring toy!' Malanding sagot ni Wolverine.
'Sige na, panalo ka na! Antayin mo at sa darating na linggo ay makakasama mo na ang nilalandi mong laruan.' tugon ng bata.
Lumipas ang tatlong araw. Tanghali na ng nagmamadaling nakauwi ng bahay si Kino at dali-daling umakyat sa kanyang silid at isinara ang pinto. Hinanap niya ang kinatataguan ng laruan at inilabas.
'O... anong petsa na boy! Kelan ba ako magkakaroon ng kasamang mataas ang antas. Yung ka-level ko! Yung katulad ko na mamahalin?!' Naiinip na tanong ni Wolverine.
'Heto na! Di ka mapakali dyan! Para kang pusang manganganak!' Sagot ng bata.
Binuksan ni Kino ang kanyang bag at hinanap sa loob ang dala-dalang makakasama ng nagsasalitang laruan. Una niyang inilabas ang isa rin na pigura. Ito ay isang babae na may kulay abong buhok.
'Storm! Mars! Welcome!!!!' Sigaw ni Wolverine.
Pagkalapag ni Kino sa babaeng laruan, bumalik siya sa kanyang bag at kinuha ang ikalawang dala. Sa pagbunot niya ay makikita ang isang lalaking pigura na may parang salamin sa mata.
'Cyclops! Mahal!!! Labs!! Lumapit ka!' Pahinhin na wika ni Wolverine.
'O, hayan. May kasama ka na. Kasama mo na ang dalawa sa ka-uri mo. Siguro naman masaya ka na?!' Tanong ni Kino.
'Masaya na din... pwede na....Kaso..... Bakit walang buhay tong si Storm at Cyclops?' pag-aalala ni Wolverine.
'Oo nga no. Hindi kaya ikaw lang talaga ang kayang magsalita at magkikikilos ng naaayon sa gusto mo?'Tanong ni Kino.
Tumingin ng masama si Wolverine sa bata. Napa-kunot-noo ito at sumimangot. Tinitigan niya si Kino mula ulo hanggang paa.
Makalipas ang ilang sandali, nagkabuhay din ang dalawang bagong laruan na dala ni Kino.

'Mars!!!!! Kamusta ka na!!! Na-miss kita ng sobra!!!' Masayang wika ni Storm. Dali dali niayng niyakap ang lalaking may matalas na sandata.
'Mars!!! Namiss din kita! As in!' sabay halikan sa pisngi ng dalawa.
'Pre! Komosta na Pre! No-miss mo din ba ko pre?!' Tanong ni Cyclops kay Wolverine.
Napangiti si Wolverine at dahan-dahang lumapit kay Cyclops. Akala mo ay nasa dalampasigan ang dalawa at tila bumagal ang oras. Napayakap si Wolverine at ibinuhat naman siya ni Cyclops habang iniikot.
'Bago kayo gumawa ng sarili ninyong teleserye at san pa mauwi ang ginagawa ninyo, maglaro muna tayo!' Sabi ni Kino sa tatlong laruan na may kakayahang magsalita at gumalaw mag-isa.
'MANIGAS KA!!!' Sigaw ng tatlo sa bata.
'Pe.... Pe.... Pe.... Pero..... Ano pa ang silbi ninyo kung di kayo lalaruin?' Nanginginig na pagtatanung ni Kino sa mga laruan.
'Hindi kami ordinaryong laruan bata! Collector's Toy ata kami! Kami yung mga laruan na idinidisplay para tignan at di paglaruan!. Sagot ni Storm.
'Tomoh! Hindi kami yung hinahawak-hawakan kasi mawawalan kami ng halaga kapag malaspag kami!' Sagot naman ni Cyclops.
'Pero... Pero...' Magtatanong pa sana si Kino pero nagsalita na si Wolverine.
'Ano nanamang pine-pero-pero mo? Pero-perong bukid na lilipad-lipad? Nakakaintindi ka ba ng tagalog? baka gusto mo pa na mag-inglis ako! Japanese or Cantonese, you like?!' Ang mataray na sagot ni Wolverine.
'Nakaka-intindi ako ng tagalog'. mahinang sagot ng bata. Kasabay noon ay unti-unti ng namumuo ang luha sa gilid ng mata ng bata.
'Noong sinabi kong namimiss ko sina Mars Storm at si Papa Cyclops ko, hindi ko sinasabing dalin mo sila dito. Ang nais ko ay isauli mo ako sa tunay kong amo!' paliwanag ng laruan.
'Kaya pala nawala kang bigla Mars Wolverine, kasi pinitik ka pala ng batang ito. Grabe! Ang bata pa lamang niya pero kumukuha na siya ng gamit na hindi sa kanya!' wika ni Storm.
'Alam mo bata. Pagsisihan mo na ang ginawa mo at ibalik kami sa tunay na nagmamay-ari sa amin. Humingi ka ng tawad at tiyak mauunawaan ka naman.'. Bigkas ni Cyclops.
'Anlaki ng kasalanan ko. Hindi ko na maayos to!'. Ngumawa at umiyak ang bata.
'Tirahin ko kaya to ng 'Optic Blast' ko ng matauhan?!! Di ka ba nakikinig bata-batuta? Sabi ko nga na humingi ka ng tawad at mauunawaan naman yan! May drama ka pang nalalaman diyan! Tsipain kita dyan e!' Banggit ni Cyclops.
'Tama kayo. Pasensya na at kinuha ko kayo sa bahay ng aking kalaro. Gusto ko kasing magkaroon ng mamahaling laruan kaya ko nagawang kunin kayo habang di nakatingin yung kaibigan ko.' Kasabay ng paghingi ng tawad ni Kino ay inilagay niya si Storm at si Cyclops sa bag.
Nilapitan na ni Kino si Wolverine para isama sa loob ng bag upang maisauli na sa tunay na may ari. Bago pa mailagay sa loob, nagbigkas ng huling salita ang laruan.
'Magpakabait kang bata-batuta ha! Wag na wag mo ng uulitin ang pagkuha ng kagamitan na hindi naman sa iyo. Masama iyon! Ikaw, gusto mo bang may kumukuha ng gamit mo? O, ano pa ang hinihintay-hintay mo dyan? Pasko? New Year? Valentines Day? Semana Santa? Araw ng Kalayaan? Balik Undas? Ibalik mo na kami at humingi na ng tawad sa kalaro mo. Now na!' huling sambit ni Wolverine.
Ang tatlong laruan ay bumalik na sa normal. Nagmadaling pumunta sa bahay ng kalaro si Kino at humingi ng paumanhin sa kasalanang nagawa. Pinatawad naman siya.
Mula noon, tinandaan ni Kino ang aral na natutunan mula sa laruang bigla na lamang nagkaroon ng buhay.
-Ang kwento sa itaas ay ang aking lahok para sa Saranggola Blog Awards 3. (Maikling Kwento)
note: sa kwentong pambata sana ito kaso sobra sobra na ako sa words kaya ipinasok ko sa maikling wento. :D
pambatang pambata nga! ayos ah! :D
ReplyDeleteang cute ng kwents! Hehe
ReplyDeleteang kulet ha, petix ka sa ofis no? =)
ReplyDeletehahaha. bad childhood? traumatized?
ReplyDeleteang wild ng imagination mo.
kudos!
Woaahh...hindi ko iniexpect na ganito ang laman nito...astig ng pagkakakwento mo! malanding wolverine...ayos!
ReplyDeleteHello! Pwede ba makipag-exchange links sayo?
ReplyDeletewww.vankaizer.com
@bino, hahaha, pambata to
ReplyDelete@empi, yep
@chyng, yep. slight petiks
@wondering commuter, ahahaha, uu wild
ReplyDelete@akoni, hahahah, malandi si wolvy
@henry, sure, add me, ill add you
ang tarush ni wolvy..whahahah
ReplyDeleteparang toy story with a twist..hehehe
Gudlack sa entry sa SBA.
nakakatawang kwento na may aral. i agree na parang toy story nga ito with a twist. ang sosyal naman ni wolverine. opposite ata sa wolverine na nakikita at nababasa sa comics.
ReplyDeleteang galing moh pre...
ReplyDeletemas magaling ka..haha
Deletemas magaling kayo. hehehe
DeleteX-MEN nga.. hehey
ReplyDeletethe key of evolution..