Tuesday, March 23, 2010

Aklas! Aklas! Iwasiwas!



Sa nagdaang-araw, lagi kong nakikita sa news ang tungkol sa pagwewelga ng mga iskolar ng gobyerno laban sa nagbabantang pagtaas ng kanilang matrikula sa susunod na pasukan. Welga to the max at aakalain mo na parang rally ng mga against gma dahil may plakard at kung ano-anong epek pa like megaphone at matching balibag at agaw eksena. Napuna ko ang kanilang ginawang paghahagis ng mga upuan, lamesa at blackboard ng school mula sa 4th floor at iba pa. Tapos kanina, ipinakita sa balita ang pagsunog nila ng mga bagay na kanilang itinapon.

Nakakalungkot at nakakainis! Sa aking isip at sa aking puso, iyan ang aking nadarama. Nakakalungkot kasi magtataas nanaman ang matrikula. Ang mga estudyante at magulang na todo effort sa pagpapaaral ng anak ay kelangan mag todo kayod til hingalin at maubos ang powers para makalikom ng pera. Nakaka-sad dahil kailangan nila na mag doble sikap upang makatungtong sa kolehiyo.

Nakakainis. Nakakainis kasi kailangan ba talaga nila na mag-malapeople power epek upang tumutol sa pagtaas ng tuition? Kailangan ba na umasal na tila mga aroganteng tao o mag mala-komunista style? Kailangan ba talagang magtapon ng gamit at sunugin samantalang may mga paaralan sa pinas na nangangailangan ng upuan at gamit sa pagtuturo. Walang pumipigil sa kanila na sabihin ang nasa loob subalit sana ay isipin na nakakasira din ng imahe ng mga iskolar ang ginagawa nila. Di ako iskolar at di ako matalino subalit ang sa akin lang ay dapat ay umasal sila na may pinag-aralan.

Nakakalungkot na laging nasisisi sa gobyerno ang kung anu mang masamang nngyayari sa bayan. Di ba nila naisip na lahat ay konektado sa ibang dahilan. Tataas ang tuition kasi tumataas ang bilihin. Tataas ang tuition kasi kailangan mag-upgrade. Tataas ang tuition kasi mahal na ang krudo na nakakaapekto sa iba pang bagay.

Nakakainis! Nakakainis din ang gobyerno. Nakakainis kasi parang di masolusyonan ang ibang bagay. Nakakasar kasi tila bulag sa katotohanan na hirap din ang mga tao.

Ang mga nasaad sa itaas ay pawang opinyon lamang ng isang tao at di kumakatawan sa pangkalahtang ideya. Maaaring may magtaas ng kilay o sumang-ayon subalit ang sa akin lang, nais ko lang magkwento at maglabas ng aking kuro-kuro.

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???