Tuesday, March 30, 2010

It's Not the Same!!!



Ambilis ng panahon at semana santa nanaman. Panahon na ulit ng holy week. Nakakalungkot. Bakit? Kasi iba na ang holy week ngayon kesa noon. Anlaki ng pagbabago. Hays.

Ever since na ako ay nagka-trabaho, tila di ko na naranasan ang holy week. Bakit ko nasabi iyon? Dahil since ako ay nagwowork like a call center agent, e di na ako makauwi sa aming probinsya upang makapag-pahinga at magchillax. Ninais ko man mag file ng leave ngayong taon subalit ang 1.5 months na allowance ay di umubra at ubos na ang slots ng leave. damn! siguro next time ay mga pasko palang ay mag file na ako! well, anyway, ang mga isasaad ko ay ang mga bagay na kadalasan kong ginagawa noon sa probinsya na tila di ko na magagawa dahil anlaki na ng changes in terms of my age, the place and time.

1. Tuwing holy week, doon dinaraos sa aming baryo ang piyesta. Ewan ko ba kung bakit pero halos lahat ng baranggay sa lugar namin ay sabay-sabay ang pista at ang date ay laging sakto sa Black Saturday. Dati rati, noong ako ay nasa kiddie years, lagi ako makikilahok sa games katulad ng hilaan lubid, agawan buko at kung ano-ano pa. Naaalala ko pa one time na nanalo kami sa tag-o-war at todo effort pa ako na antayin ang prize then since its a group effort may hatian, it ended that pati ung mga gurangs na umeps ay nabigyan ko sa hatian since di ko din kilala ung ibang members.

2. Lagi rin na may pabingo kaya todo effort pa sa pagpili ng masuwerteng card at baka sakali manalo ng kung anu-anung basta mai-prize na items tulad ng plantsa, bintilador, mga plato at kung sakali, isang sakong bigas or 1k. Back then, talagang kinarir ko ang pagtatanong kung anu mga numerong lumabas sapagkat ang lenguaheng ginagamit ay panggasinan at di ko pa gaanong gets ang counting system nila. Ewan ko ba pero tila di ako sinuswerte kahit na anong effort ko na bendisyunan, dasalan, designan ang card at kung anu-anung mala-kultong ewan para gawing maswerte ang bingo card. May time na nilalagyan ko ng kung ano-anong names sa likod nito na tila ba parang ung mga teks na usong-uso noon. May time na pagkabili ay iiwan sa altar at isasama din sa chapel para ma-enchant at manalo. Sa mga kung ano-anong kaepalan ang ginawa ko ay tila walang talab at di pa ako nanalo.

3. Every year, mayroong sayawan ala disco since di pa gaanong inaabutan ng sibilisasyon ang lugar. Walang bar dito. Tanging disco-discohan lamang o kaya ay ang tinatawag nila na combo instead of bands. Kadalasan ginaganap ang sayawan kasabay ng beauty pagent . Dati adiktus pa kami kapag sayawan na. Since musmos pa ang isip, todo effort pa sa pagpustura at pagdamit at maagang tatambay sa court kung saan sinet-up ang sayawan at habang paulit-ulit ang mga kanta ay sayaw na agad kahit wala pang tao. Wirdo pero totoo. Alpha kapal muks pa kasi at di pa alam ang salitang kahihiyan kaya wa pake sa mga nagdadatingang taga baryo at todo giling lang at hataw sa tugtuging makarena o kaya kung anu-anung ewang tugtugin.

4. Nabanggit ko kanina sa no. 3 na may beauty pagent diba? Normally ito ung time kung saan ang mga kumakandidato ay mga kamag-anakan lang namin at ang voting system noon ay money fight. May ilalabas na lechong manok na di ko alam kung sinong kumatay at ilalakad at imomodel sa gitna ng court. Dito ay ipaparada at magkakaroon ng bidding system at parang subasta na ewan at kailangan bilin ang manok para sa candidate. Pera-pera ang labanan pero actually malaking kalookan kasi the highest price wins at wala naman sa hitsura o sa talento ng kandidata kundi sa kung gaano kadesidido ang pamilya nila na papanalunin ang dilag kahit na minsan ay chakabelle at wa talaga pesvalue.

5. Isa pang main event tuwing piyesta ay ang pagdalo ng mayor o kaya ng vice-mayor. Minsan naman mga congressman at kung sinong popular sa lugar namin. Ito ang mga panahong tila di pedeng matapos ang gabi hanggat di pa nakakapag-speech ang invited guest na usually ay late at super duper late dahil buong pangasinan at mga baryo ata ay nililibot sa iisang gabi lamang upang maki-piyesta, madalas na pudpod na ang mga paa ng taga-baryo subalit di pa dumadating ang guest o kaya naman ay bigla nalang may announcement na di na makakadating. o kam-on! pasaway talaga! well, ito ay nagaganap lamang kapag di pa kailangan ang tulong ng mga tao kasi wala pang eleksyon.

6. Isa pang alaala ay ang mga kaganapang simple at napaka tipikal lang na walang halo ng technolohiya at kung ano-anong sibilisasyon. Sa baryo namin ay mahina pa ang kuyente kaya dapat ay 5pm palang bukas na mga ilaw nio kung ayaw nio na maagawan ng kuryente. Agawan system dito, Never ever make patay da ilaw at tyak, sa madaling araw na sisindi ang bumbilya sa hirap ng kuryente. Uso pa noon ang gasera at yun ang gamit sa pang-gabing gawain. Ang steet lights pa noon ay masyadong malaki ang agwat kaya masarap mag-taguan o kaya naman ay magkuwentuhan ng aswang at kung ano-anong kababalaghan dahil pag lumingon ka sa kaliwa o sa kanan mo, ang madilim na palayan o kaya ang mga matatayog na kawayan ang iyong matatanaw kasabay ng malamig na ihip ng hangin.

7. Masaya din ang food trip dito. Noon, isang hakbang mo lang ay may tindahan kang mapagbibilhan at mauutangan(kamag-anak kasi). Natatawa ako lagi kasi noon, suki ako sa tindahan. TH pa ako sa panggagaya ng lenguahe nila... Kakatok sa plywood ng tindahan sabay magsasabi ng pabileeeee... e di epektib kasi matanda ang tindera. katok uli sabay magpapangalatok.... Manaliwak pa! tapos gagayahin ang mga animo ay kuwagong pagtawag sa mga tao... Huuuuuuuuuuuu! Then came the tindera kapag ubos na ang boses mo. Bakit ko nga ba sinabi ang food trip? kasi ang limang piso noon ay may super halo-halo kana. Tapos, maglalakad ka lang ng konti, makakakita ka na ng mga mangang kalabaw at pede na sungkitin. Dati rin ay may bahay ang isa kong lola na puno ng kasoy at mga chico! Non-stop ang lafang dito kaya solb na solb ang iyong mga alaga sa tiyan!

Sa taon na ito, 2010. malaki na ang pinagkaiba. Medyo modern na. Wala na ang mga oldies at klasik na mga magagawa sa probinsya subalit tila hinahanap-hanap ko ito ngayong di ako makakauwi. Marahil totoo nga na malalaman mo lang ang halaga pag nawala na. Grabe! gusto kong magbakasyon!!!!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???