Yo! Ngayon ay nailathala nanaman ang panibagong kabanata sa pakikipagsapalaran ng bidang si Luffy sa kamay ng mga Marino.Kung matatandaan, noong nakaraang episode ay lumaban si Teach sa Marino at pinakita ang powers nia sa madlang pipol. Sa bagong yugto, ipinakita ang halos pagguho ng Headquarters ng Marine. Dito ay talagang todo effort sya na pabagsakin na ang tower o ang fortress of Justice. Sa isang bahagi ng chapter ay pinakita na nagpakitang gilas si Senggoku at tila lumaki at may kapangyarihan ng shockwave. Ngayon ay naghaharap si Teach at ang isa sa mga taga-Marines.
Sa kabilang dako, matatandaan na tinatangka ni Jimbei na itakas si Luffy sa kamay ng militar subalit sya ay pinipigilan ng isa sa Marine Admiral na si Akainu. Tila napataob ng admiral si Iva-san at ngayon ay todo habol na sya sa Merman na ex-shikibukai. Umatake ang admiral na may kakayanan na Magma at tinamaan si Jimbei subalit tila tumagos ang atake at tinamaan si Luffy. Tinangka ng ex-shikibukai na gamitin ang dagat na malapit sa kanya dahil mas lalabas ang kapangyarihan nia subalit ang karagatan ay pinagyelo na ng isa pang admiral na si aokiji. Doomed na si Jimbei subalit to the rescue si sandman Crocodile kasama din ang mga Vice-captain at mga tauhan ni Whitebeard. Nais nila na makaligtas si Luffy at makita ang New Age. Tumilapon sa ere si Jimbei sa pag-lusob ni Akainu subalit tyempo naman na lumilipad sa himpapawid si Captain Buggy at nasalo ang bida at ang merman.
Sa kanilang pagtakas, biglang may lumutang na isang submarine at kinukumbinsihin sila na sumama at gagamutin ang damaged at sugatan na si Luffy. Ang nakakagulat na pangyayare, si Trafalgar Law ang lider ng nasa submarine kung saan ay matatandaan na si Law ay isa sa parang rival ni Luffy. Ano ang kahahantungan ng bida? Abangan.
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???