Saturday, March 6, 2010

One Piece 576: Great Pirate Edward Newgate



Noong nakaraang linggo, walang One Piece episode pero ngayon ay inilabas na ang sumonod na kabanata matapos mamatay si Ace at matapos lumabas at umeksena si Teach.

Sa unang bahagi ng chapter na inilabas, ipinakita ang mga mukha at pangalan ng mga prisoners na nasa level 6 o yung mga bilanggo na mga pirata na hinatulan dahil sa matinding dahas at pagpatay. Mga notorious na mga tao ang pinakawalan ni Teach. Nakumbinsi nia din ang isa sa bantay ng Impel down na umanib sa kanyan. Nagtaka ang Marines kung paano di nila nabalitaan agad ang sitwasyon at nalaman nila na isa sa member ni Teach ay hinipnotize ang mga bantay sa kulungan at hayun, nakatakas na sila.

Sa second part naman, na focus na ang kwento sa taong nasa title, si Edward Newgate o mas kilala sa pangalan na Whitebeard. Si Whitebeard ay nakipagharap sa dating subordinate na si Teach. Dito ay inungkat ang kasalanan ni Teach kay Whitebeard, ang sala na pagpaslang sa kapwa miyembro. Bumanat ng mga linya si Teach na di manlang nailigtas ni Whitebeard si Ace at dati ay kinukunsidera nia na superior si Whitebeard. Lumaban si Whitebeard at tinaga si Teach. Nagmakaawa ang pobre dahil naging anak-anakan sya nito pero di maitago ang galit ni Whitebeard. Lumusob ang mga tauhan ni Teach at sinugod si Edward Newgate.

Nagkaroon ng flashback si Whitebeard kung saan nakasama nia si Gold Roger. Bumanat siya kay Teach na kahit wala na si Ace, Ang will power o ang henerasyon ng tao na may D sa pangalan ay ang siyang hahamon sa mundo. Medyo magulo pero parang naiintindihan ko.

Sa bandang huli, nagpaalam si Whitebeard sa mga kanyang crew at nag flashback uli na ang ninais niya lang sa buhay ay hindi kayamanan kundi ang magkaroon ng pamilya na sa tingin ko ay nagawa nia dahil siya ay tinuring na ama ng kanyang subordinates. Isinaad din ang dami ng tama ng bala, saksak at bala ng kanyon na tinamo ni Whitebeard subalit nagawa niyang mamatay na nakatayo at nakatindig.

Ngayong patay na si Whitebeard, anu na kaya ang susunod na mangyayari?

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???