Sunday, March 7, 2010

Survivor: Heroes voted Cirie out!



Dahil may pasok ako ng biyernes ng gabi, di ako makakapanood ng live via satellite episode ng survivor. Dati rati basta friday, nakalaan na ang oras ko sa telebisyon at ang sofa ay para sa akin lamang. Mukang things changes talaga at kailangan ko nalang makuntento sa replay o re-run ng episode ngayong araw na ito(linggo). Mukang di rin ako gaanong sinuswerte kasi nasa immunity challenge ang naabutan ko kanina, buti nalang at naglipat ako ng channel kaninang tanghali.

Kahit kalahati lang ng palabas ang aking naabutan, okay lang dahil ang mahalaga ay malaman kung sino ang naeliminate o na-vote out sa tribo. Sa immunity challenge, nanalo nanaman ang koponan ng villains at sila ay ligtas sa tribal council. Mahimbing silang makakatulog na walang malalagas sa kanila.

Dahil nga nanalo ang villains, alam na ang team ng mga heroes ang mababawasan ng miyembro. Di ko alam na nakay Tom pala ang isang hidden immunity necklace. Nagkaroon pala ng dalawang grupo sa team ng heroes at ang mga malalakas physically ay magkakasama (Tom, Colby, JT at James) samantalang ang medyo weak ang isang grupo (Cirie, Candice, Amanda, Rupert). Di ko kabisado mga members kaya pasensya po. Ang nangyari ay ang mga nasa medyo weaky group ay nais matsugi o mapatalsik si Tom kasi nanalo na ito noon at shempre, malakas din sya sa physical challenge kaya isa syang threat. Ganun din ang pananaw nila kay Colby. Balak nila na kahit nakay Tom ang necklace at kahit gamitin niya yon, may isa sa malakas na contender ang mapapatalsik. Doon nagkamali ang grupo ng weaky-weak kasi ang akala nila na kaalyado nilang si JT ay bumaligtad at na-blindside sila. In the end, ang planong paninipa sa strong pips ay nagbounce back kay Cirie na syang pasimuno ng alyansang mahina.

Sa aking sariling opinyon, di nakapagtataka na ganun ang desisyon ng weak group kasi alam nila na dehado sila kapag-nag-merge ang villains at heroes at individual immunity na ang labanan. Atsaka medyo nasa isip na nila na watapak, sila JT at Tom ay nanalo na, give chance to others! Pero ganun talaga sa laro ng survivor, ang mautak, ang madiskarte at alerto ang nagmomove-foreward! wow, pati sa blog ko may Moving Forward na term! Nakakalungkot lang kasi okay sana ang scheme ng weaks kaso di sila naging mapagmatyag at mapanuri na parang matang-lawin! Di sila nakagawa ng back-up plan kung sakaling may tatagilid o kaya ay gagamitin ni tom ang immunity necklace. well, sino ba naman ako para magsabi ng kung anong comment e marahil kapapag ako ang nandun, tyak, voted out ako agad!

nufsaid, aabangers nalang ako sa susunod na episode!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???