Ang entry na ito ay based from experience lamang at di nangangahulugan na may galit o pumipintas o naninira ng establishment o food resto.
Ngayong umaga,napagpasyahan namin na kumain matapos ng night shift. Cool! Food trip after work. Nananawa na marahil ang dila namin sa mcdo o sa kfc kaya napagdesisyunan na sa Sbarro kami kumain. Sbarro, establishment sa Eastwood kung saan nag-oofer ng okay na italian pasta at pizza. Wow! Yum! Oks! Okay na, nakapamili na ako ng lalapangin o kakainin so sabi ko ung ispageting may manok(pasensya, di ko matandaan name). So okay naman ung size ng bread na kasama pero since solo lang ang inorder ko at slightly nagdidieta-dieta mode ang lolo nio e tubig nalang request ko. Aba, si cashier girl ng sbarro ay mukang deadma lang at medyo mahina ang pandinig so kibit-balikat nalang ako at di ko masyadong pinansin. Nakabili narin ung kasama ko at tipong water lang din ang trip aside from another kasama na can afford mag coke so may i request si friend ng water pero mukang dinedma din sya ni cashir girl. Next in line ay may pumasok na lady na umorder din ng walang drinks, ewan ko lang din kung nag request sya ng tubig pero tapos na kaming makakain e wala talagang dumating, kahit dun sa usual place na nilalagay ung pitcher of water ay wala! omaygas! Watda-fudge! Inabutan na ata ng tag-tuyot sa Sbarro at no water policy ata sila ng umagang ito. may shortage na ata sa tubig kaya no appear ang crystal clear tubig! Then napansin ng eyes ko na mukang tapos na shift nung tontang cashier girl kaya keber nia sa customer na hoping to get tubig. So since walang tubig, bahala na si batman at umalis nalang kami after kumain at sa aking isip ay tumatak na..... Laganap na ang El Ninyo at pati Sbarro ay tinablan!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???