Ilang linggo ko na din pinag-iisipan kung anu-anung hakbang ang pedeng gawin kapag malayo pa ang sweldo. Naghahanap ako ng paraan at mga ideya upang makapag-ipon o matipid ang pera sa bulsa.
Heto ang mga nahagilap ko at natutunan sa aking pagtambay sa mga mall tuwing rest day.
1. Maglakad nalang kung malapit ang pupuntahan. Sa aking pagtambay halos tuwing restday sa Megamall, nakagawian ko na lakarin ang papuntang Robinsons galleria mula sa Megamall kaysa sumakay ako ng bus para makadating sa Gale at upang makasakay pauwi. Tipid ka na sa pamasahe, may konting pagpapapawis ka pa o madaming pagpapapawis kapag mainit ang panahon.
2. Mas tipid kapag jeep. Tuwing ako ay bibiyahe pauwi, mas makakatipid kung ikaw ay sasakay ng jeep kaysa sa bus o kaya mag Fx. Ang normal na presyo ng pamasahe gamit ang jeep ay nasa 7 lang kung malapit. Sa Bus ay 11 habang sa Fx ay minsan 25. Sumakay lamang ng Bus kung mainit at di siksikan at sumakay ng FX kung gusto mong medyo confi. Taxi ang pinaka-last choice mo!
3. Humanap ng tatambayan sa mall na di ka makakagastos. Isang magandang halimbawa ay ang pagtambay sa isang bookstore kung saan pede kang magbasa ng libro. Di mo kailangang bumili kasi free reading atsaka madalas ay aircon pa kaya iwas sa init ng panahon. Recommended place ko ang Bestseller ng Robinsons galleria samantalang di ko gaanong i-aadvice sa powerbooks ng Megamall kasi madami na ang tambay dito.
4. Isa pang magandang tambayan sa mall kung saan di mo na kailangan ang gumastos ng malaki ay sa isang arcade shop katulad ng WOF o worlds of fun o kaya ay Tom's world. Mas maigi kung ang arcade shop ay gumagamit ng tokens kasi tiyak mura ang bayad, 5 pesos or 6 lang ay makakalaro ka na. Di ko masyadong irerecomend ang timezone kasi magka-card ka at kadalasan ang game ay nasa 8 pesos above. Di ka din makakatipid kasi minimum bayad sa load ng card ay 100. Minsan may matitira pa sa niload mo kaya di mo nasulit. Kapag-toke, ang 20 pesos mo ay sapat na upang makapatay ng 2 oras ng pagtambay. Maigi din na manood sa ibang malalaro upang matuto, may natutunan ka na, nalibang ka pa sa panonood.
5. Kung magtitipid ka naman sa pagkain mo sa mall, maisusuhestiyon ko ay kumain sa foodcourt. Bakit sa foodcourt? Dahil may water fountain! Tubig ay buhay! Mabubuhay ka na sa tubig minsan kaya di mo kailangan gumastos ng todo! May mga makakainan sa foodcourt na mura kung walang drinks na kasama. Isa pa ay kadalasan gagastos ka ng malaki sa may drinks na food subalit ang drinks ay tadtad ng yelo! Over tabang!
6. Sa kuwentong pagkain padin, eto ang mga suggested food ko na kadalasang aking binibili. Unahin na natin ang Hong Kong Style noodles, sa halagang 27 pesos, solb na. Sumunod naman ay ang Paotsin. Ang fried dumplings worth 41-45 pesos na dumedepende din sa location ay isang manlaman tiyan dahil solb ka na sa pandan rice nila na may kasamang apat na pirasong dumplings. C2, ang pambansang tea! Bumili nito kung ayaw ng plain water ng drinking fountain, kung choosy, try mo mag zesto.
7. Kung sa pamimili naman ng damit, mas maigi ang mamili sa department store kesa sa mga special botique o kaya sa mga branded store. Mas mahal ang mga t-shirt sa branded store at tila ang pangalan lang ng damit ang iyong binabayaran. Normal tshirt sa branded shops ay nagkakahalaga nng 400 pataas samantalang ang ibang tshirt sa department store ay nasa 150 lamang hanggang 300. Isa pang ikinaganda sa pagbili sa department store ay mas kakaiba ang design nila at mas iba ka sa iba na lagi ay habol ay branded shops like bench, tribal etc.
8 Kung mamimili naman kayo ng pantalon, mas makakatipid kayo kung sa St. Francis square bibili o sa divisoria o greenhills. Kadalasan ay pantalon ay nagkakahalaga lamang ng 250 hanggang 350. Ang mga disenyo din ay ayos naman. Kung ikokompara mo ang presyo ng pants sa sale ng branded items, mas tipid ka padin dahil nasa 400 ang pants ng sale items lately at tila magmamahal pa. Mas recommended ang sa St. Francis sa mga may maliliit na waistline dahil tiyak na may kakasya sa inyo.
9. Makakatipid din kung manonood ka lang ng mga mall events o mall tour imbes na manood ng sine. Kadalasan ay gagastos ka ng around 180 - 250 sa isang palabas na minsan ay single screening pa. Ang panonood ng mga mall tours ay nakakaaliw din at di mo na kailangang gumastos ng kahit na ano.
10. Kung nais manood ng pelikula, tiyakin na di ka masyadong sasabay sa buhos ng tao at kung kelan mainit at bagong labas pa ang show. Madalas na mas mahal ang charge sa unang labas ng pelikula dahil minsan ay may 3d pa. Mas malaki din ang chance na single screening lang ang palabas kaya di mo masusulit ang perang iyong binayad. Hindi bale na sa 2nd o 3rd week ka nanood, ang mahalaga ay napanood mo padin ang palabas at kahit paano ay di ka umasa sa debidi. Last chance mo o last card mo ang mag DVD kapag wala ka talagang pera o wala ka naman makakasamang manood ng pelikula at kung di mo talaga trip-na-trip o pinakahihintay ang isang palabas.
Hayan ang mga sampung tips na aking naobserbahan at natutunan sa pagtambay at pagpunta-punta sa mall. Sana ay may maitulong sa mga mambabasa.
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???