Monday, March 29, 2010

Double Elimination



Dahil di ko napanood ang survivor replay sa channel 9 kaya hinanap ko sa youtube at swerte naman at may nag-upload na. At dahil rin sa kabagalan ng sun broadband, inabot ng mga 2 oras bago makumpleto ang pag load ng 50 minutes na show na nahati sa apat na part.

Ewan ko ba kung anong kamalasan at ang first part ng video ay di nagload ng tama kaya hapyaw lang ang aking nakita. Sa First part ay sinaad na magkakaroon agad ng immunity challenge pero  ang challenge ay double immunity challenge sapagkat both team ay haharap sa tribal council upang alamin kung sino ang kanilang nais mawala sa team.

Sa heroes, kung saan ay anim nalang sila ay naglaban-laban sa isang maze challenge. Kailangan nilang ilusot ang sarili sa obstacle maze at magpaikot-ikot at mag-ala-doktor kwak-kwak upang manalo ng immunity. Sa bandang huli, si Candice ang nanalo.

Sakabilang koponan o ang villains, ang siyam na katao ay nagtungali din at si ganitong sitwasyon. halos lahat ay maliliksi lalo na sila Rob, Tyson, Coach, Parvati at Russell. Sa bandang huli ay si Rob ang nanalo.

Kahit na nanalo na si Rob ay may isa pang challenge, ang reward kung saan kung sino ang mananalo sa pagitan ni Candice at Rob ay makapagbibigay ng karapatan sa team nila upang makinig sa tribal council ng kalaban habang kumakain ng hotdog sandwich. Halos parehas ng bilis at liksi ang dalawa pero sadyang magaling si Rob at nakamit ng villains ang reward.

Sa kampo ng villains, tinarget na ni Rob si Rusell at nagbigay ng parang tip na mag-ingat sya at baka matanggal sya. At that point, nakaisip ng plano si Rob ng mautak na strategy. Nais nya na gawing Triple tie ang botohan para kahit ilabas ni Rusell ang hidden immunity o kahit ipasa nia kay Parvati ang hidden immunity, may chance silang ma-vote out ang isa sa kanila. Pero mukang naging mautak si Rusell at nakaisip ng anti-vote sa kanya at ang ginawa ay kinausap si Tyson na ang iboboto daw nia ay si Parvati. So in the end, nauto nia si Tyson at di sumunod sa initial plan ni Rob. Sa huli, ginamit ni Parvati ang hidden immunity at na null ang votes sa kanya at sumoplaks kay Tyson ang boto kaya sya ang natanggal sa villains.



Sa kabilang tribe naman, ang focus ay sa pagitan ng dalawang lalaki. Si James the injured guy vesus Colby the demotivated guy. Walang gaanong latoy sa heroes kasi medyo wala na masyadong thrill kasi kakaunti nalang sila. Sa bandang huli, ang natanggal ay si james sa kadahilanan na kailangan nilang manalo sa challenges at kung iika-ika syang maglakad, paano kung pagtakbo o paglakad ang challenge nila.



Sa episode 7 nila, ang ipinakita ay about kay Boston Rob na planong pag-target kay Rusell since wala na ang hidden immunity idol. Abangan!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???