Monday, March 29, 2010

Kumukulo-kulo!



paunawa: Sa may mahinang puso, postive thinker, kalmado at maganda ang mood, patnubay ng magulang ang kailangan dahil ang susuonod na entry ay magdudulot ng kung anong ewan at isa pang ewan.

Sa nakaraang araw, wala ako sa kundisyon na magpost ng mga updates tungkol sa mga binabasa ko na anime manga tulad ng naruto, no bra, one piece at etc. Wala rin ako sa tamang mood upang mag-kwento tungkol sa laruan o kaya sa mga pangyayari sa buhay ko pero ngayung gabi/ madaling araw, nawala na ang tamlay ko dahil nais kong magbuhos ng galit, inis, asar, banas at kung ano-ano pang maitatawag!

Sabado, ika-27 ng marso. Depress ang taong nagtatago sa pangalan na khanto sapagkat di mawari ang emosyong nadarama. Araw na lumabas ang sweldo at dapat ay galak ang nadarama dahil may pera sa bulsa at may pera sa pitaka subalit nababalot ng konting lungkot at halong ewan. Nalulungkot dahil tila napag-iiwanan ng mga kaibigan. Ang mga friendship ay nasa abroad na. Ang iba ay lumelevel-up na at nag-step up pa. Samantalang siya ay naiwan sa home base. Alam nia naman na ganun talaga ang life kasi walang magkakapareho ng tadhana. Pinilit na lang niya na maging mapag-isa sa bahay. Natulog. Nagpahinga. Namuni-muni.

Natapos ang sabado at dumating ang Domingo de ramos o ang tinatawag na araw ng palaspas. Madaling araw palang e babad na ang mata sa panonood ng kabibiling dvd na glee upang malaman kung ano ang meron sa show na ito. lango din ang mata sa katititig sa harapan ng monitor kakatingin ng kung ano-ano sa net. 5am na at ninais na ng aking mata na makapagpahinga kaya go na si khanto sa kama at ipinikit ang mata.

Watdapak na ingay ang narinig ng bandang 9 ng umaga. Powtah! Asa bahay ang pips na makiki-farm! makikifarm nalang ng kanyang farmville e manbabadrip pa! Kesho anlaki daw ng hita na nakikita nia(pertaining sa hita ni khanto na masaya sanang natutulog sa kama). Hays nakows talaga! Hindi ko nga narinig ang nakakabulahaw ng radyo ng jeep ng kapit-bahay na tumutugtog ng klasik na mga kanta pero nakaka-irita naman ang pamumuna sa lumalaking katawan! So may i lipat nalang ako sa kabilang kwarto kung saan makaka-continue ng sleep ang tao at hayaan nalang ang mga facebook adiktus na magfarm at kung ao-anong trip nila na gawin sa net na ako ang nagbabayad at laptop na ako din ang nagbabayad!

Lumipas ang mga oras at sarap at enjoy na si khanto o ako sa pagtulog dahil aircon at di naramdaman ang init ng summer. Shit! 7pm na ng gabi?!!!! syemay! di ko man lang na-enjoy ang RD na ito upang gumala sa mall at bumili ng laruan na gusto ko. Oks lang sabi ko. Ang nasa isip ko lang ay atleast, safe and sound ang perang winidraw sa atm at may pera ako na magagamit for next week so oks lang. cool na cool pa. Paglabas ng kwarto at since may tao pa sa harap ng laptop e nagbukas nalamang ako ng tv upang mag-enjoy kung ano man ang palabas since medyo tinatamad pa ako mag dvd at wala na akong mall na maaabutang bukas kung lalakwatsa pa ako kaya habang nanonood ng tv ay kumain nadin ako ng tanghalian namin kanina.

Around 8, tila napagod na ang dragon sa pagnenet kaya sinabing its MY turn na daw! weeeeee! my turn to use the pc at mabuksan na ang medical mayhem at ninja saga na kinaaadikan ko ngayon kaya go to the room na ako at surf-surf! bagal ng net! Naalala ko na pakshet, di ko napanood ung inaabangan ko na survivor replay episode sa channel 9 kaya go ako sa website ng youtube para mahanap. Buti andun kaso mabagal streaming kasi gabi pa at tiyak madami karibal sa signal ng sun kaya close ko nalang. Wala pa ata akong 30 minutes ng biglang enter nanaman ang dragon saying checheck nia facebook nia! Puchanggalata! katatapos lang nia kanina tapos eeps nanaman!!! Sabi ngia 5 mins lang! badtrip na ako! Naguuusok na ang ulo ko at tila unti-unti na kumukulo ang blood ko sa pangyayari kasi nga turn ko na eh! So nirespeto ko nalang since mabagal naman. Exit nalang ako. Hilata mode ako sa sala habang nanonood ng tv then after 10 mins, the dragon enters the scene nanaman at saying umalis daw ako sa kinahihigaan ko at manonood din daw sya! WOOOOOOOOOOOOOOOOO! P#+@!!!! Nainis talaga ako at ang sabi ko na napaka eps nia! Kung nasan ang tao, umeepal! nananahimik na nga lang ako at hinayaan nalang muna ang laptop sa kanila pero mukang laging panbabadtrip lang ang nais gawin! Natauhan ang dragon na naiinis na talaga ako kaya siguro natulog nalang. Sa wakas.... yet theres a huge wave of zombies ang darating ang naging resulta!

Lumipas ang ilang oras at nasa 9:30 na ng gabi! Oks na ako sa kinalulugaran ko kasi nasa akin ang remote. Lipat dito lipat doon kung saan may palabas na nais ko. Channel 2, lipat channel 7. Silip sa qtv 11 den balik 2 tapos tingin channel 5. Natulog na ang aking ina at ang pinsan ko naman ay nakikigamit pa ng pc at ginawang pc shop ang haus pero oks lang. Slight kalmado pa ako. Nagsasara na ng bahay ang white haired dad ko at nag-aayos na. E biglang enter sa likod ko telling na mahal na araw at araw ng palaspas at pahinaan ko daw aang tv! Shet! badtrip na ako dumagdag pa! Ang hina na nga ng tv e, nasa volume 12 nalang at tila di na naman maririnig ng kapit-bahay o ng nasa kwarto ang pinapanood tapos pahihinaan pa! Aba, tila hinayblad ako at sumagot ako na anu bang pagpapahina pa ang dapat gawin?! ginawa kong 10! E asar pa ako! nainis talaga ako kaya sabi ko baka nalalakasan pa sya sa tv at ginawa kong 7 ang volume. Asar pa din ako, ginawa kong volume 2 nalang at sabay tanong kung malakas pa. Sobra-sobrang galit ko na akala mo ay isa akong bulkan sabay sabing baka masyado pang malakas at i-mute nalang natin tong tv?! O kaya, sa sobrang sinasapian na ako ng pagkainis ay pinatay ko nalang ung tv.

Dabog dabog tayo!!!!! ipadyak ang paa!!! Kinuha ko ang aking wallet at cellphone at layas ako ng bahay! Dabog mode talaga para ramdam ang pagkainis ko! Off i go to the nearest Jollibee. Lakad mode habang iniisip talaga ang mga nakakabanas na pangyayari at para ma shake ko na ang galit! So pagdating ng jabi ay pabili nga po mode ako ng yum burger value meal at upgrade to XL o extra large ang fries para icomfort ang sarili ko. Habang naglalakad pabalik ay todo ngata at nguya sa fries na di na umabot sa house dahil naubos ko na. Then....... Boom! isa nanamang nakakabadtrip na scenario!

10:15 pm, nakauwi na ako sa bahay upang kainin ang burger na binili pero ang bumulaga sa akin ay ang farm-adiktus na aking tiya. Aba, naka-pwesto na at handang-handa na para mag-harvest ng kung anumang ewan na tinanim. Not knowing na badtrip na ako at asar na with my dad, e nambuyo pa! Bumanat na ano daw inorder ko sa jabi? May i ask pa kung meron daw akong binili para sa kanya?! SHADAP! yan ang nais kong sabihin pero nag-in-the-cloud nalang ako. Sinabi ko nalang na asar ako at wag emeps at mag-farm nalang sya! Hilata mode nalang ako sa bed kasi nasa sala ang daddy ko na nanood ng tv at nasa room ang tiya na naghaharvest ng laos na farmville. Ok na sana kasi nagpapakalma na ako kaso pakshet sa ingay mag-net. Parang batang kalye lang sa computer shop na nagsasalita! Di naman kailangang marinig ang nasa isip nia at nakikita nia sa harap ng screen. Wala akong pake kung ano ang kulay ng baka o mga baboy na magagatasan nia! wala akong keber sa kung magkano ang kinita nia sa grapes na tinanim nia. I don't give a damn if gusto nia ang design ng farm ng neighbor nia! Por dios por santo! Andakdak! Daig pa ang pusang nakikipagrambulan sa kapwa pusa sa mga bubong!  mahigit 1 hour sa pc ang farmer at nakatulog na nga sa sahig ang pinsan na nag-aantay sa kanyang madir at sa wakas! off they go at makakapaglblog na ako!

As of this moment, around 12:47 ng madaling araw ay medyo okay okay na ako. Since tahimik na ang mundo at gamit ko na ang pc at net na ako ang nagbabayad e oks na. siguro ay kailangan ko lang ng outlet like this blog upang makwento ang mga nais kong sabihin.

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???