Anung sumpa ito? Ano? Ito ang mga kataga na nasa isip ko sa araw na ito. Di ko alam kung nagkataon lang o sinasadya ng panahon ang mga kaganapan na talaga namang nakakabdtrip at mapapasigaw ka ng watapak!
Matapos ang shift kahapon ay dali-dali akong umuwi sa bahay upang matulog dahil ayokong datnan ng tirik ng naghihiganting araw. Maaga akong natulog habang di pa lipana ang init ng kapaligiran. Ipinasok ko na ang dalawang binilador sa kwarto subalit puchanggalata, so hot in here ang tugtog na animoy naging theme sa tanghaling iyon. Kaasar kuya Cesar! Para kang iniihaw na ewan sa loob ng isang oven.
Ikalawang pang-asar na pangyayari ay sa aking pagpasok ngayong araw na ito, huwaw!! Nasan na ang napaka-kupad na production machine ko? Ang pinagchachagaan ko na super duper slow na pc ay ni-reformat at guess what?! wala akong mapwepwestohan upang mag-calls! Ang kinahinatnan ng tagpong ito ay ako ay itinapon sa kabilang dako ng floor at napunta sa pwesto ng mga verifiers at malayo sa area ng aming team.
Ikatlong boom-boom pow na pangyayari ay pagkabasa ko ng aming email, sumambulat ang balitang walang bonus! Isn't that amazing?! Nakakalungkot dahil tila naapektohan ng taghirap at walang bonus. Ang araw na inaasam na sana ay makakatanggap ng kadatungan ay naglaho na! Wala na ang pag-asa na makakabili ako ng laruan! Paalam na sa pangarap na dagdag laman-bulsa!
Yellow Four sa pambabadtrip ang reason to explain na bakit di daw nag-adhere sa break skedule last friday shift. Nakareceive ako ng sulat na kailangang marinig ang panig tungkol dito. Ikaw na nga ang nagbait-baitan na tumanggap ng calls dahil queueing tapos ikaw pa ang babalikan ng mensahe na bakit late ka nag-break. Ang masasabi ko nalang, kung ganun pala kaimportante ang break, pabayaan na lamang ang namumulang queue at mag-break na laman.
Sumunod kay Yellow ay si Pink pampam kung saan nagkakaroon ng problema sa napwestohan ko. Ang tool na gamit namin upang magsend ng emails kay client ay nagloloko. Ang mga emails na pinaghirapan kong kumpletuhin ay nagiging kulang-kulang at ang nangyayari ay tila gumawa ako ng liham na walang laman! Anak ng?! At dumagdag pa etong isang people na bigla ba naman mag-pop na sana sa susunod ay may laman ang email ko?! Outsource ba ako upang barubalin ang stats na pinagpapaguran ko? Gagawin ko ba na ibaon ang sarili ko sa kahihiyan para lamang tumawag uli si client dahil walang laman ang email? Chef! Badtrip to the max!
Alert level 5 na ang init ng ulo ko! Sobrang nakakafrustrate lang! Pero mukang humahabol ang dual skillset pero hahayaan ko nalang muna at ayokong maging isang ampalaya at siling labuyo sa pagiging bitter at sobrang init ng ulo.
baka magkaroon ng tsunami sa IBM!.. hahaha
ReplyDelete