Wednesday, March 10, 2010

Flashback: HS Teachers



Kahapon ng tanghali, di ko alam kung ano ang sumagi sa aking isipan at naalala ko muli ang aking mga guro noong ako ay nag-aaral sa mataas na paaralan o high school. Bakit bigla tumalon sa aking pag-iisip ang mga mukha ng mga naging instrumento upang makatungtong ako sa kolehiyo? Bakit parang lumalangoy sila sa aking gunita at tira nagpaparamdam? What's this? Ano ba ito? Parang isang bahagi lang sa libro ni Bob Ong na nagdedescribe sa mga itinuring ko na pangalawang magulang.

Madami! Madami akong naging guro sa high school dahil bawat subject ay iba-ibang tao. Sa buong apat na taon na pag-aaral sa mataas na baitang, may pagkakataon din na nagbabago o napapalitan ang mga guro na nagturo at gumabay sa akin. May mga goody-good at may mga not-so dahil wala lang at minsan dahil trip ko lang na di sila ma-feel!

Ngayong araw, siguro magbibigay ako ng Top 3 na guro na aking nakasalamuha. Top 3 pero hindi nangangahulugan na sila ang the best o sila ang the worst.

1. Math Teacher (Sir Revs)

Una sa aking listahan ay ang aking guro sa matimatika, si sir revs. Sya ang naging math teacher ko noong nasa first at second year ako. Sya ang isa tatlong guro na lalaki sa campus. Sya ang aking guro na mahilig sa saging o kahit na anong prutas. Ang kadahilanan sa pagpruprutas nia, di ko na matandaan, parang may mild ulcer sya na ewan. Anyway, kung bakit kasama sa naunang limang guro ang person na ito ay dahil isa sya sa kinainisan ko noon. Not literally at over acting na kinainisan pero mixture sya ng pagkainis ko sa subject at kung ano-anong trip na di ko gusto.Medyo di ko din sya naging trip kasi nasuspindi ako ng dahil sa kanya. Natatandaan ko na iregular class noon at parang bawat room ay may handa. Sa di ko maipaliwanag at matandaan na pagkakaton, halos walang food sa room namin kaya sya ay nag-room hop. Since walang bantay at 15 mins. nalang ay uwian na, napagpasyahan ko at ng isang klassmate na umuwi na at magpunta sa malapit na mall. Aun, Monday ng sumunod na week, deads. Suspended kami! Cutting Class ang kaso! Isa pa sa memorable na pangyayari with this teacher ay nung nagkaroon sila ng retreat. We are asked to write palanca letters sa mga guro namin at ewan ko kung ano ang sumagi sa isip ko at sinulatan ko sya. Nagbuhos ako ng pagkainis t galit na ewan. Ang aking natatandaan, sinabi ko sa kanya na may favoritism sya. aheeheh. Alam ko kasi noon since lagi lang akong pasang-awa sa math, napapansin ko na kahit nais ko sumagot, iba nalang tinatawag. Well, good thing after ng letter na iyon, nagbago na sya. Medyo naging ka-close ko nga itong teacher na ito nung nasa third at fourth year na ako, kasi di na sya ang main math teacher ko. Well, malaki ang pasalamat ko din sa kanya dahil ewan ko, nung college, nakakasagot ako sa trigonometry ng dahil sa mga turo ni sir revs. Siguro epektib din ang may inis factor upang matuto.

2. Religion Teacher (Ms. Gracia)

Ikalawa sa listahan ay ang aming religion teacher. Di ko na maalala kung anong tawag sa class na ito pero ang alam ko, parang theology. Si ms. Gracia ang medyo may edad na guro sa paaralan. Di ko nga alam kung misis na siya o miss palang. Kung mag-eestimate ako noong mga panahon na iyon, iisipin ko na nasa around 40 na sya pero baka mali ako at mas bata sya. Sya ang guro na magdadala sa iyo sa antok. Hindi sa wala akong galang pero medyo boring kasi ang class pag religion eh. Laging story sa bible at may halong good manners and right conduct. Kadalasan sa klase nya ako nakakahanap ng time para lumipat ng pwesto at sumandal sa pader at harangan ang sarili ng mga bag at makapag-tago at umidlip. Malaking tulong na nasa around 30+ kami sa klase at malaki ang room kaya di nya mapapansin. Mabait syang guro at medyo cool naman. Actually, kapag siya ang nagbabantay kapag exam, sureness na makakapag-ninja mode at mkakapangopya sa iba. Uulan ang grasya pag si ms. gracia ang bantay dahil shempre, tiba-tiba ka sa mga sagot lalo na kapag di ka nakapag-aral. Nakakatuwa din na teacher sya kasi sya ang guro na nais mag-gitara kahit di sya feel ng gitara. Yep, di gaanong music talented siya pero keber lang siya at todo tugtog with the guitar at sing-galing effort. Sya ang teacher na may dream na maging singing sensation. May isang pangyayare na medyo naawa ako sa kanya. Ito ung time na kumakanta siya sa harap ng klase with the guitar and matching tungtong sa ibabaw ng cubicle when isa sa mga kaklase ko ay naghagis ng piso. Nagwalk-out si Ms. Gracia dahil nainsulto sya na animo ay isang bulag n namamalimos at hinagisan ng barya.

3. Homeroom at Science Teacher (Ms. Vhi)

Pangat si Ms. vhi sa aking listahan. Siya ang aming mother teacher dahil sa apat na taon namin sa high school ay sya ang naging fairy godmother, teacher, mama-san. Siya ang nagkalinga sa amin habang kami ay nag-uumpisa palang sa high school. Sya ang aming protector sa detractors namin. Sya ang wonder teacher na kumanlong at nanindigan sa batch namin na pioneer students ng high school. Si Ms. vhi ang kalog at kwelang teacher na nakasama namin sa high school days. Sya ang babaeng kulot went straight teacher with transformation and make-over every year. Siya ang guro na may lahing bakla dahil sa mga gay linggo na ginagamit sa pan-araw-araw na pananalita. Isang eksenang di ko malilimutan ay kapag tuwing may laboratory experiments, bawal ang walang laboratory gown. Ito ang mga time na kanya-kanyang diskarte n makapagpakita ng something white na parang labgown kung wala kang dala kung hindi, wawa ka at di ka pede sumagot ng activities. May mga times din na pag sinumpong ng galit si ms. vhi ay sorry ka. Soplak at barado ka at tablado ka pag makakabunggo mo ito. Wala akong masyadong maalalang embarassing moments kay ms. vhi. Tanging ang evolution ng buhok nia from curly things to straight and rebonded and masasabi kong totally amazing.

Tigil muna ako sa tatlong ito at baka maubusan na ako ng maisip na kwento. Pero sa Tatlong ito ako natuto ng kung-anu-ano about HS life.

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???