Thursday, March 11, 2010

One Piece 577: One Outrangeous Development After Another



Huwebes ngayon at mukang maaga ang pagpapaskil ng bagong kabanata ng mga pirata. Mabilis ang pagtratranslate sa ingles kaya heto at nailathala na sa onemanga ang sumunod na istorya matapos ang kamatayan ni Whitebeard.

Ang mga unang bahagi medyo wala lang! Ito ay nagsasaad ng pagbabalita na si whitebeard ay patay na. Ganun lang! Mga dalawa o tatlong pahina na tungkol sa pagkakaalam ng nakararami na patay na ang rival ni Gold Roger. Ang sumunod na mga pahina ay tungkol sa pagtangis ni Captain Bugy dahil di niya nagawa ang planong pagkitil kay whitebeard. Nagmamadali syang makatakas pero inaakala ng mahihinang pirata na isa siyang magiting na tao dahil inakala nila na umiiyak sya dahil sa awa sa kalaban.

Sa ibang ibayo ng kwento, patuloy ang pagtakas ng mga pirata at ang plano na isalba si Luffy sa kapahamakan. Malaking balakid si Aokiji dahil ginawa niyang yelo ang tubig at hirap na makaalis sa pwesto ang mga barko. Si Jimbei na siyang may dala kay Luffy ay nagflashback sa pakiusap noon ni Ace na kung sakaling mamamatay si Ace, kailangan niyang protektahan ang nakababatang kapatid. Sa ganitong eksena, lumabas uli ang admiral ng marino na may kapangyarihan ng lava at pinigilan sila. Nagsambit si Jimbei na di nya ibibigay si Luffy over his dead body! wow! me ganung factor! Si Iva-san ang umatake sa admiral.

Sa isa pang dako, si Teach ay nagpahayag na siya ay kalaban padin ng marines. Sa di inaasahang kaganapan, ginamit niya ang kanyang blackhole power at siya kasama ang labi ni whitebeard ay naglaho ng panandalian. Makalipas ang pagkakawala sa eksena ni Teach, siya ay bumalik at ipinamalas ang kapangyarihan ng kanyang sinumpang prutas. At hindi lang doon nagtatapos ang pngyayari dahil ipinakita niya ang kapangyarihan ng lindol o earthquake na siyang kapangyarihan ni whitebeard. Nalaglag-panga at lumuwa ang mga mata ng nakasaksi! Ang power ni Whitebeard ay kaya na ni Teach! Pakingship! Nagawa ni Teach na magtaglay ng dalawang kapangyarihan samantalang ang alam ng iba ay tanging isang devil fruit lang per person! Amazing. Ngayon, naghayag si Teach na eto ay kanyang ERA na! itutuloy!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???