Friday, March 5, 2010

Naruto 485: Close Far



Kahapon ko pa inaantay ang bagong episode o chapter sa buhay ni Naruto pero ngayon lang sya inilabas. Ngayong nasa 485 na ang Naruto, narito na ang sumunod na kabanata. Matatandaan na noong nakaraang linggo ay nagka-sama na ang lumang Team 7 at nailigtas ni Naruto si Sakura sa kamay ni Sasuke.

Ngayon ay nagharap na ang rival: si Naruto at si Sasuke. Dito ay nagbitter-biteran nanaman ang pesteng si Sasuke. Tinanong sya ni Sakura na dati naman ay team mate sila subalit ang sagot ng bida-kontrabida ay former team mates daw sila. sa Episode din na ito ay napaisip si Karin kung saan dati ay iniligtas nia si Sasuke sa kamatayan subalit di sya binigyan ng importansya. Dito din ay tinangka ni Kakashi na sya ang tumapos sa gulo at makikipaglaban kay sasuke subalit nagpumilit si Naruto at sya ang humarap sa hitad.

So balik na muli sa dalawang animo ay mag-jowa na muling nagkita. Nagkasubukan na! Nagpakitang-gilas na ang ex-friends. Nilabas ni Naruto ang kanyang famous justu na Rasenggan habang ang kay Sasuke ay ang kanyang Chidori. Nostalgic kasi dati ay ito din ang kanilang ginamit sa kanilang paghaharap.

Sa di inaaasahang ewan, bigla nalang nag-uusap ang dalawa. Nagkwekwento si Naruto na dati ay anlaki ng galit nia sa mga taong inaapi sya dahil nga ang Kyuubi ay nasa katawan nia. Sabi pa ni naruto na kung hindi dahil kay Sasuke, marahil ay nasa landas ng paghihiganti siya na katulad ng current position ni Sasuke. Nagdradrama si naruto at kung anu-anong eklabu ang pinagsasabi. Sumabat naman si Sasuke ng kung anung ewan lang na ang kailangan gawin ni naruto ay talunin sya at maging hero o matalo sya sa kamay niya.

Sa huli, bumanat si Naruto na di nia gagawin ang alinman sa dalawa.... Itutuloy!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???