Thursday, October 13, 2011

Love Julinsee


Kamustasa kalabasa?! Restday ko na ulit kaya may time na me na makanood ng asian peliks. Ehehehe. Kaya di ko na patatagalin pa at di na me magpapatumpik-tumpiks pa. heto na!

Kung nagbabasa nga kayo ng titulo ng post, marahil nabasa na ninyo na may pamagat na Love Julinsee ang peliks. But wait! Theres more! Kung gusto ninyo na weird name ng title, pede din syang 'Love at 4 size'. Pero kung gusto nio lalo ng mas kakaiba, edi kunin ang real name na  'Ruk Man Yai Mak'. o pili na ng gusto mong title!

Kung nakapamili ka na, let's go sago and lets hurry strawberry na sa wento ng peliks. Ito ay dibayddebay sa apat na short wento. oo apat.... parang 3 in 1 + 1....apat. Bakit 4? Ma! Malay ko kebs ko! 

Ang pokus ng peliks ay teenage love. Oo, sila na ang teenage mga hinayupaks na yan. hahaha. hambitter ko lang kasi di na ako teen at di ko naheksperience etows nung teen ako. lechegas!

So anyway highway, ito ay may four stories (hindi po yung palapag ng gusali). Una ay wento ng malandi guy na inask yung girl for a joy ride somewhere tapos akala nia makaka-home-run sya at mapapabagsak nia ang bataan at magkakaputukan like new year. no-no-no! Iba ang nangyari.


Second istory ay isang gerlay ang niligawan ng isang boy sa iskulilits. Naglandian ng slight tapos naging sila. Woops... kelangan daw mag-abroad ni guy pero nangako na magiging sila padin. Aba... nagvivideo kol pa ang dalawang magjuwawits. May pesbuk din silang nalalaman. Pero... pero.... ano etits? Si guy may hinahaliparot at hindi pala umalis ng country. paktay.


Pangatlong wento ay ang magjowanger-z na na nag-aaral ng cultural ek-ek dance sa iskuwilahan. Malantod si gerlay at nais niyang pagselosin si guy. Ayun. Nagselos nga... at nagkatampururutan ang malanjutay na jowa. magkakabalikan kaya?


Last but not the least ang wento ng magberks turned lovers. Pano pag ang friend mo ay nagtapat sa iyo na may gusto sya sa iyo? isa yan sa paksa pero ang struggle (naks may struggle na nalalaman) sa wento na natandaan ko ay nagalit si girl nung hinalikan sya ni boy. Ang manang naman ni girl! Syosyota-syota sya, tapos halik lang, nag-inarte na! lols


Rating ng movie...... 7. Oo, tama ang nababasa ninyo. Palakol ni diva lang ang score nito. Bakit? E sa gusto ko e. joke lang. Okay na sana, medyo nakilig me ng slight at napangiti pero medyo ang konti at shallow ang story ng teen love nila. ewan ko. Akala ko may twist sa bandang dulo na like super kunek-kunek ang apat na lab istories pero waler. Ayun.

So hanggang dito na lamang. TC! 

7 comments:

  1. ganda ng background song mo..nina...waley lang yun ang napansin ko kesa sa post mo! wahahaha

    oi nagbasa ako d me skipread! 4 love story ba ika mo? hmmmm try ko nga at bigyan ko ng rating na palakol!!! waah sayo ba yon? :P

    ReplyDelete
  2. at talagang hinanap ko talaga sa youtube with the hope na may full version--pero wala.belat.hahaha. I feel so helpless everytime me movie review ka at gusto ko panuurin . kung sa torrent naman.last time naka Dl nga ako ng jap movie.wala namang subtitle.awts.makapag DVD shopping nalang ata sa Quiapo.hahaha

    ReplyDelete
  3. @Pusang Kalye, mahirap ngayon mamili sa quiapo, sunod sunod ang raid. Ang modus doon ngayon, tatawagin kang seller, tas dadalhin ka niya sa parang isang pasilyo at doon ang transaction magaganap. Medyo delikado kung tutuusin. Ingat lang ng onti.

    ReplyDelete
  4. sounds good.. mahagilap nga ito... hehehe...

    salamat sa mga reviews mo.. nagkakaroon ako ng idea ng mga pwedeng mapanood.. :D

    ReplyDelete
  5. hahaha sige nga makahanap ito sa suking pirata. hahaha

    ReplyDelete
  6. Hello. Napanood ko ito kaninang tanghali. tama ka sa mga sinabi or your review. I have my own too anyway. Ang masasabi ko lang is that hindi ako masyadong kinilig. Agree rin ako sa sinabi na napakababaw rin ng mga stories nila. At kulang lang talaga ang bawat segment. Kulang ng time to dig up things. At isa pa, this a romantic movie. Out of the four stories, I like the last one best. But overall, I recommend it as well to be watch by everyone. We all have different views on a thing anyway. Sa mga gustong manood nito, ito iyung link: http://kshowloveholic.wordpress.com/2011/07/20/love-julinsee-2011-love-at-4-size-thai-movie-eng-sub/

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???