Nag-eemote ang dalawang presidentiables.... Paki-namin sa past nio, yung magagawa nio ang basehan sa pagkapangulo!
Wednesday, March 31, 2010
Tuesday, March 30, 2010
Lesson in Life: Part 2
A priest offered a Nun a lift.
She got in and crossed her legs, forcing her gown to reveal a leg.
The priest nearly had an accident.
After controlling the car, he stealthily slid his hand up her leg.
The nun said, 'Father, remember Psalm 129?'
The priest removed his hand. But, changing gears, he let his hand slide up her leg again. The nun once again said, 'Father, remember Psalm 129?'
The priest apologized 'Sorry sister but the flesh is weak.'
Arriving at the convent, the nun sighed heavily and went on her way.
On his arrival at the church, the priest rushed to look up Psalm 129. It said, 'Go forth and seek, further up, you will find glory.'
Moral of the story:
If you are not well informed in your job, you might miss a great opportunity.
Labels:
quotes
It's Not the Same!!!
Ambilis ng panahon at semana santa nanaman. Panahon na ulit ng holy week. Nakakalungkot. Bakit? Kasi iba na ang holy week ngayon kesa noon. Anlaki ng pagbabago. Hays.
Ever since na ako ay nagka-trabaho, tila di ko na naranasan ang holy week. Bakit ko nasabi iyon? Dahil since ako ay nagwowork like a call center agent, e di na ako makauwi sa aming probinsya upang makapag-pahinga at magchillax. Ninais ko man mag file ng leave ngayong taon subalit ang 1.5 months na allowance ay di umubra at ubos na ang slots ng leave. damn! siguro next time ay mga pasko palang ay mag file na ako! well, anyway, ang mga isasaad ko ay ang mga bagay na kadalasan kong ginagawa noon sa probinsya na tila di ko na magagawa dahil anlaki na ng changes in terms of my age, the place and time.
1. Tuwing holy week, doon dinaraos sa aming baryo ang piyesta. Ewan ko ba kung bakit pero halos lahat ng baranggay sa lugar namin ay sabay-sabay ang pista at ang date ay laging sakto sa Black Saturday. Dati rati, noong ako ay nasa kiddie years, lagi ako makikilahok sa games katulad ng hilaan lubid, agawan buko at kung ano-ano pa. Naaalala ko pa one time na nanalo kami sa tag-o-war at todo effort pa ako na antayin ang prize then since its a group effort may hatian, it ended that pati ung mga gurangs na umeps ay nabigyan ko sa hatian since di ko din kilala ung ibang members.
2. Lagi rin na may pabingo kaya todo effort pa sa pagpili ng masuwerteng card at baka sakali manalo ng kung anu-anung basta mai-prize na items tulad ng plantsa, bintilador, mga plato at kung sakali, isang sakong bigas or 1k. Back then, talagang kinarir ko ang pagtatanong kung anu mga numerong lumabas sapagkat ang lenguaheng ginagamit ay panggasinan at di ko pa gaanong gets ang counting system nila. Ewan ko ba pero tila di ako sinuswerte kahit na anong effort ko na bendisyunan, dasalan, designan ang card at kung anu-anung mala-kultong ewan para gawing maswerte ang bingo card. May time na nilalagyan ko ng kung ano-anong names sa likod nito na tila ba parang ung mga teks na usong-uso noon. May time na pagkabili ay iiwan sa altar at isasama din sa chapel para ma-enchant at manalo. Sa mga kung ano-anong kaepalan ang ginawa ko ay tila walang talab at di pa ako nanalo.
3. Every year, mayroong sayawan ala disco since di pa gaanong inaabutan ng sibilisasyon ang lugar. Walang bar dito. Tanging disco-discohan lamang o kaya ay ang tinatawag nila na combo instead of bands. Kadalasan ginaganap ang sayawan kasabay ng beauty pagent . Dati adiktus pa kami kapag sayawan na. Since musmos pa ang isip, todo effort pa sa pagpustura at pagdamit at maagang tatambay sa court kung saan sinet-up ang sayawan at habang paulit-ulit ang mga kanta ay sayaw na agad kahit wala pang tao. Wirdo pero totoo. Alpha kapal muks pa kasi at di pa alam ang salitang kahihiyan kaya wa pake sa mga nagdadatingang taga baryo at todo giling lang at hataw sa tugtuging makarena o kaya kung anu-anung ewang tugtugin.
4. Nabanggit ko kanina sa no. 3 na may beauty pagent diba? Normally ito ung time kung saan ang mga kumakandidato ay mga kamag-anakan lang namin at ang voting system noon ay money fight. May ilalabas na lechong manok na di ko alam kung sinong kumatay at ilalakad at imomodel sa gitna ng court. Dito ay ipaparada at magkakaroon ng bidding system at parang subasta na ewan at kailangan bilin ang manok para sa candidate. Pera-pera ang labanan pero actually malaking kalookan kasi the highest price wins at wala naman sa hitsura o sa talento ng kandidata kundi sa kung gaano kadesidido ang pamilya nila na papanalunin ang dilag kahit na minsan ay chakabelle at wa talaga pesvalue.
5. Isa pang main event tuwing piyesta ay ang pagdalo ng mayor o kaya ng vice-mayor. Minsan naman mga congressman at kung sinong popular sa lugar namin. Ito ang mga panahong tila di pedeng matapos ang gabi hanggat di pa nakakapag-speech ang invited guest na usually ay late at super duper late dahil buong pangasinan at mga baryo ata ay nililibot sa iisang gabi lamang upang maki-piyesta, madalas na pudpod na ang mga paa ng taga-baryo subalit di pa dumadating ang guest o kaya naman ay bigla nalang may announcement na di na makakadating. o kam-on! pasaway talaga! well, ito ay nagaganap lamang kapag di pa kailangan ang tulong ng mga tao kasi wala pang eleksyon.
6. Isa pang alaala ay ang mga kaganapang simple at napaka tipikal lang na walang halo ng technolohiya at kung ano-anong sibilisasyon. Sa baryo namin ay mahina pa ang kuyente kaya dapat ay 5pm palang bukas na mga ilaw nio kung ayaw nio na maagawan ng kuryente. Agawan system dito, Never ever make patay da ilaw at tyak, sa madaling araw na sisindi ang bumbilya sa hirap ng kuryente. Uso pa noon ang gasera at yun ang gamit sa pang-gabing gawain. Ang steet lights pa noon ay masyadong malaki ang agwat kaya masarap mag-taguan o kaya naman ay magkuwentuhan ng aswang at kung ano-anong kababalaghan dahil pag lumingon ka sa kaliwa o sa kanan mo, ang madilim na palayan o kaya ang mga matatayog na kawayan ang iyong matatanaw kasabay ng malamig na ihip ng hangin.
7. Masaya din ang food trip dito. Noon, isang hakbang mo lang ay may tindahan kang mapagbibilhan at mauutangan(kamag-anak kasi). Natatawa ako lagi kasi noon, suki ako sa tindahan. TH pa ako sa panggagaya ng lenguahe nila... Kakatok sa plywood ng tindahan sabay magsasabi ng pabileeeee... e di epektib kasi matanda ang tindera. katok uli sabay magpapangalatok.... Manaliwak pa! tapos gagayahin ang mga animo ay kuwagong pagtawag sa mga tao... Huuuuuuuuuuuu! Then came the tindera kapag ubos na ang boses mo. Bakit ko nga ba sinabi ang food trip? kasi ang limang piso noon ay may super halo-halo kana. Tapos, maglalakad ka lang ng konti, makakakita ka na ng mga mangang kalabaw at pede na sungkitin. Dati rin ay may bahay ang isa kong lola na puno ng kasoy at mga chico! Non-stop ang lafang dito kaya solb na solb ang iyong mga alaga sa tiyan!
Sa taon na ito, 2010. malaki na ang pinagkaiba. Medyo modern na. Wala na ang mga oldies at klasik na mga magagawa sa probinsya subalit tila hinahanap-hanap ko ito ngayong di ako makakauwi. Marahil totoo nga na malalaman mo lang ang halaga pag nawala na. Grabe! gusto kong magbakasyon!!!!
Labels:
Kwentong khanto
Monday, March 29, 2010
Double Elimination
Dahil di ko napanood ang survivor replay sa channel 9 kaya hinanap ko sa youtube at swerte naman at may nag-upload na. At dahil rin sa kabagalan ng sun broadband, inabot ng mga 2 oras bago makumpleto ang pag load ng 50 minutes na show na nahati sa apat na part.
Ewan ko ba kung anong kamalasan at ang first part ng video ay di nagload ng tama kaya hapyaw lang ang aking nakita. Sa First part ay sinaad na magkakaroon agad ng immunity challenge pero ang challenge ay double immunity challenge sapagkat both team ay haharap sa tribal council upang alamin kung sino ang kanilang nais mawala sa team.
Sa heroes, kung saan ay anim nalang sila ay naglaban-laban sa isang maze challenge. Kailangan nilang ilusot ang sarili sa obstacle maze at magpaikot-ikot at mag-ala-doktor kwak-kwak upang manalo ng immunity. Sa bandang huli, si Candice ang nanalo.
Sakabilang koponan o ang villains, ang siyam na katao ay nagtungali din at si ganitong sitwasyon. halos lahat ay maliliksi lalo na sila Rob, Tyson, Coach, Parvati at Russell. Sa bandang huli ay si Rob ang nanalo.
Kahit na nanalo na si Rob ay may isa pang challenge, ang reward kung saan kung sino ang mananalo sa pagitan ni Candice at Rob ay makapagbibigay ng karapatan sa team nila upang makinig sa tribal council ng kalaban habang kumakain ng hotdog sandwich. Halos parehas ng bilis at liksi ang dalawa pero sadyang magaling si Rob at nakamit ng villains ang reward.
Sa kampo ng villains, tinarget na ni Rob si Rusell at nagbigay ng parang tip na mag-ingat sya at baka matanggal sya. At that point, nakaisip ng plano si Rob ng mautak na strategy. Nais nya na gawing Triple tie ang botohan para kahit ilabas ni Rusell ang hidden immunity o kahit ipasa nia kay Parvati ang hidden immunity, may chance silang ma-vote out ang isa sa kanila. Pero mukang naging mautak si Rusell at nakaisip ng anti-vote sa kanya at ang ginawa ay kinausap si Tyson na ang iboboto daw nia ay si Parvati. So in the end, nauto nia si Tyson at di sumunod sa initial plan ni Rob. Sa huli, ginamit ni Parvati ang hidden immunity at na null ang votes sa kanya at sumoplaks kay Tyson ang boto kaya sya ang natanggal sa villains.
Sa kabilang tribe naman, ang focus ay sa pagitan ng dalawang lalaki. Si James the injured guy vesus Colby the demotivated guy. Walang gaanong latoy sa heroes kasi medyo wala na masyadong thrill kasi kakaunti nalang sila. Sa bandang huli, ang natanggal ay si james sa kadahilanan na kailangan nilang manalo sa challenges at kung iika-ika syang maglakad, paano kung pagtakbo o paglakad ang challenge nila.
Sa episode 7 nila, ang ipinakita ay about kay Boston Rob na planong pag-target kay Rusell since wala na ang hidden immunity idol. Abangan!
Labels:
TV
Kumukulo-kulo!
paunawa: Sa may mahinang puso, postive thinker, kalmado at maganda ang mood, patnubay ng magulang ang kailangan dahil ang susuonod na entry ay magdudulot ng kung anong ewan at isa pang ewan.
Sa nakaraang araw, wala ako sa kundisyon na magpost ng mga updates tungkol sa mga binabasa ko na anime manga tulad ng naruto, no bra, one piece at etc. Wala rin ako sa tamang mood upang mag-kwento tungkol sa laruan o kaya sa mga pangyayari sa buhay ko pero ngayung gabi/ madaling araw, nawala na ang tamlay ko dahil nais kong magbuhos ng galit, inis, asar, banas at kung ano-ano pang maitatawag!
Sabado, ika-27 ng marso. Depress ang taong nagtatago sa pangalan na khanto sapagkat di mawari ang emosyong nadarama. Araw na lumabas ang sweldo at dapat ay galak ang nadarama dahil may pera sa bulsa at may pera sa pitaka subalit nababalot ng konting lungkot at halong ewan. Nalulungkot dahil tila napag-iiwanan ng mga kaibigan. Ang mga friendship ay nasa abroad na. Ang iba ay lumelevel-up na at nag-step up pa. Samantalang siya ay naiwan sa home base. Alam nia naman na ganun talaga ang life kasi walang magkakapareho ng tadhana. Pinilit na lang niya na maging mapag-isa sa bahay. Natulog. Nagpahinga. Namuni-muni.
Natapos ang sabado at dumating ang Domingo de ramos o ang tinatawag na araw ng palaspas. Madaling araw palang e babad na ang mata sa panonood ng kabibiling dvd na glee upang malaman kung ano ang meron sa show na ito. lango din ang mata sa katititig sa harapan ng monitor kakatingin ng kung ano-ano sa net. 5am na at ninais na ng aking mata na makapagpahinga kaya go na si khanto sa kama at ipinikit ang mata.
Watdapak na ingay ang narinig ng bandang 9 ng umaga. Powtah! Asa bahay ang pips na makiki-farm! makikifarm nalang ng kanyang farmville e manbabadrip pa! Kesho anlaki daw ng hita na nakikita nia(pertaining sa hita ni khanto na masaya sanang natutulog sa kama). Hays nakows talaga! Hindi ko nga narinig ang nakakabulahaw ng radyo ng jeep ng kapit-bahay na tumutugtog ng klasik na mga kanta pero nakaka-irita naman ang pamumuna sa lumalaking katawan! So may i lipat nalang ako sa kabilang kwarto kung saan makaka-continue ng sleep ang tao at hayaan nalang ang mga facebook adiktus na magfarm at kung ao-anong trip nila na gawin sa net na ako ang nagbabayad at laptop na ako din ang nagbabayad!
Lumipas ang mga oras at sarap at enjoy na si khanto o ako sa pagtulog dahil aircon at di naramdaman ang init ng summer. Shit! 7pm na ng gabi?!!!! syemay! di ko man lang na-enjoy ang RD na ito upang gumala sa mall at bumili ng laruan na gusto ko. Oks lang sabi ko. Ang nasa isip ko lang ay atleast, safe and sound ang perang winidraw sa atm at may pera ako na magagamit for next week so oks lang. cool na cool pa. Paglabas ng kwarto at since may tao pa sa harap ng laptop e nagbukas nalamang ako ng tv upang mag-enjoy kung ano man ang palabas since medyo tinatamad pa ako mag dvd at wala na akong mall na maaabutang bukas kung lalakwatsa pa ako kaya habang nanonood ng tv ay kumain nadin ako ng tanghalian namin kanina.
Around 8, tila napagod na ang dragon sa pagnenet kaya sinabing its MY turn na daw! weeeeee! my turn to use the pc at mabuksan na ang medical mayhem at ninja saga na kinaaadikan ko ngayon kaya go to the room na ako at surf-surf! bagal ng net! Naalala ko na pakshet, di ko napanood ung inaabangan ko na survivor replay episode sa channel 9 kaya go ako sa website ng youtube para mahanap. Buti andun kaso mabagal streaming kasi gabi pa at tiyak madami karibal sa signal ng sun kaya close ko nalang. Wala pa ata akong 30 minutes ng biglang enter nanaman ang dragon saying checheck nia facebook nia! Puchanggalata! katatapos lang nia kanina tapos eeps nanaman!!! Sabi ngia 5 mins lang! badtrip na ako! Naguuusok na ang ulo ko at tila unti-unti na kumukulo ang blood ko sa pangyayari kasi nga turn ko na eh! So nirespeto ko nalang since mabagal naman. Exit nalang ako. Hilata mode ako sa sala habang nanonood ng tv then after 10 mins, the dragon enters the scene nanaman at saying umalis daw ako sa kinahihigaan ko at manonood din daw sya! WOOOOOOOOOOOOOOOOO! P#+@!!!! Nainis talaga ako at ang sabi ko na napaka eps nia! Kung nasan ang tao, umeepal! nananahimik na nga lang ako at hinayaan nalang muna ang laptop sa kanila pero mukang laging panbabadtrip lang ang nais gawin! Natauhan ang dragon na naiinis na talaga ako kaya siguro natulog nalang. Sa wakas.... yet theres a huge wave of zombies ang darating ang naging resulta!
Lumipas ang ilang oras at nasa 9:30 na ng gabi! Oks na ako sa kinalulugaran ko kasi nasa akin ang remote. Lipat dito lipat doon kung saan may palabas na nais ko. Channel 2, lipat channel 7. Silip sa qtv 11 den balik 2 tapos tingin channel 5. Natulog na ang aking ina at ang pinsan ko naman ay nakikigamit pa ng pc at ginawang pc shop ang haus pero oks lang. Slight kalmado pa ako. Nagsasara na ng bahay ang white haired dad ko at nag-aayos na. E biglang enter sa likod ko telling na mahal na araw at araw ng palaspas at pahinaan ko daw aang tv! Shet! badtrip na ako dumagdag pa! Ang hina na nga ng tv e, nasa volume 12 nalang at tila di na naman maririnig ng kapit-bahay o ng nasa kwarto ang pinapanood tapos pahihinaan pa! Aba, tila hinayblad ako at sumagot ako na anu bang pagpapahina pa ang dapat gawin?! ginawa kong 10! E asar pa ako! nainis talaga ako kaya sabi ko baka nalalakasan pa sya sa tv at ginawa kong 7 ang volume. Asar pa din ako, ginawa kong volume 2 nalang at sabay tanong kung malakas pa. Sobra-sobrang galit ko na akala mo ay isa akong bulkan sabay sabing baka masyado pang malakas at i-mute nalang natin tong tv?! O kaya, sa sobrang sinasapian na ako ng pagkainis ay pinatay ko nalang ung tv.
Dabog dabog tayo!!!!! ipadyak ang paa!!! Kinuha ko ang aking wallet at cellphone at layas ako ng bahay! Dabog mode talaga para ramdam ang pagkainis ko! Off i go to the nearest Jollibee. Lakad mode habang iniisip talaga ang mga nakakabanas na pangyayari at para ma shake ko na ang galit! So pagdating ng jabi ay pabili nga po mode ako ng yum burger value meal at upgrade to XL o extra large ang fries para icomfort ang sarili ko. Habang naglalakad pabalik ay todo ngata at nguya sa fries na di na umabot sa house dahil naubos ko na. Then....... Boom! isa nanamang nakakabadtrip na scenario!
10:15 pm, nakauwi na ako sa bahay upang kainin ang burger na binili pero ang bumulaga sa akin ay ang farm-adiktus na aking tiya. Aba, naka-pwesto na at handang-handa na para mag-harvest ng kung anumang ewan na tinanim. Not knowing na badtrip na ako at asar na with my dad, e nambuyo pa! Bumanat na ano daw inorder ko sa jabi? May i ask pa kung meron daw akong binili para sa kanya?! SHADAP! yan ang nais kong sabihin pero nag-in-the-cloud nalang ako. Sinabi ko nalang na asar ako at wag emeps at mag-farm nalang sya! Hilata mode nalang ako sa bed kasi nasa sala ang daddy ko na nanood ng tv at nasa room ang tiya na naghaharvest ng laos na farmville. Ok na sana kasi nagpapakalma na ako kaso pakshet sa ingay mag-net. Parang batang kalye lang sa computer shop na nagsasalita! Di naman kailangang marinig ang nasa isip nia at nakikita nia sa harap ng screen. Wala akong pake kung ano ang kulay ng baka o mga baboy na magagatasan nia! wala akong keber sa kung magkano ang kinita nia sa grapes na tinanim nia. I don't give a damn if gusto nia ang design ng farm ng neighbor nia! Por dios por santo! Andakdak! Daig pa ang pusang nakikipagrambulan sa kapwa pusa sa mga bubong! mahigit 1 hour sa pc ang farmer at nakatulog na nga sa sahig ang pinsan na nag-aantay sa kanyang madir at sa wakas! off they go at makakapaglblog na ako!
As of this moment, around 12:47 ng madaling araw ay medyo okay okay na ako. Since tahimik na ang mundo at gamit ko na ang pc at net na ako ang nagbabayad e oks na. siguro ay kailangan ko lang ng outlet like this blog upang makwento ang mga nais kong sabihin.
Labels:
Kwentong khanto
Friday, March 26, 2010
Khanto Pick: Fairy Tail
Noong mga nakaraang mga sabado na ako ay pumupunta sa quiapo upang mamili ng anime o ng series, lagi kong napapansin ang anime na nagngngalang 'Fairy Tail'. Nais kong bilhin ang dvd na iyon subalit ito ay may 18 episodes lamang kaya di ko na tinangkang bilhin yon. Napagdesisyunan ko na lamang na alamin kung ano ang plot ng istorya at ako ay naakit nito.
Ang Fairy Tail ay tila gawa ng taong naglathala ng anime na Rave. Mula sa pagkakaguhit ng mga tauhan at sa isa sa lumabas na character na si plue. Anyway, back to the main story line. Sa mundong ito, tila ay nasa laro ka ng ragnarok kung saan may iba-ibang jobs like merchants, mercenary at mages. Sa kwentong ito, ang focus ay ang mga magicians o mages. Dito makikilala ang guild ng mga extraordinary mages at different types o magic type pips!
Nasa episode 20 palang ako pero nakaka-hook ang kwento dahil sa types of characters dito katulad ng salamander type na si Natsu na may kapangyarihan ng apoy. Isa pala syang Dragon slayer based sa manga. Meron din na stellar type o summoner sa katauhan ng babaeng si Lucy. Isa pa ay ang ice alchemist na si Gray at ang swordmage na si ezra.
Ang manga na ito ay nababagay sa mga mambabasa n mhilig sa adventure, comedy at magic.
Labels:
khanto pick,
manga
Thursday, March 25, 2010
Presidential Resume
Papalapit na ang halalan at saktong nakita ko ang larawan na ito tungkol sa apat na kakandidato bilang pangulo.
Labels:
Pictures
Wednesday, March 24, 2010
Lessons in Life: Part 1
Nagbubuklat ako ng email dito sa opis para magbura ng mga di na kailangan na mga mensahe at nakita ko itong inispam noon tungkol sa buhay.
Lesson 1:
A man is getting into the shower, just as his wife is finishing up her shower, when the doorbell rings..
The wife quickly wraps herself in a towel and runs downstairs.
When she opens the door, there stands Mitch, the next-door neighbor.
Before she says a word, Mitch says, 'I'll give you $800 to drop that towel.'
After thinking for a moment, the woman drops her towel and stands naked in front of Mitch. After a few seconds, Mitch hands her $800 and leaves.
The woman wraps back up in the towel and goes back upstairs.
When she gets to the bathroom, her husband asks, ' Who was that?'
'It was Mitch, the next door neighbor,' she replies.
'Great,' the husband says, 'did he say anything about the $800 he owes me?'
Moral of the story:
If you share critical information pertaining to credit and risk with your shareholders in time, you may be in a position to prevent avoidable exposure.
Labels:
quotes
Tagtuyot sa Sbarro!
Ang entry na ito ay based from experience lamang at di nangangahulugan na may galit o pumipintas o naninira ng establishment o food resto.
Ngayong umaga,napagpasyahan namin na kumain matapos ng night shift. Cool! Food trip after work. Nananawa na marahil ang dila namin sa mcdo o sa kfc kaya napagdesisyunan na sa Sbarro kami kumain. Sbarro, establishment sa Eastwood kung saan nag-oofer ng okay na italian pasta at pizza. Wow! Yum! Oks! Okay na, nakapamili na ako ng lalapangin o kakainin so sabi ko ung ispageting may manok(pasensya, di ko matandaan name). So okay naman ung size ng bread na kasama pero since solo lang ang inorder ko at slightly nagdidieta-dieta mode ang lolo nio e tubig nalang request ko. Aba, si cashier girl ng sbarro ay mukang deadma lang at medyo mahina ang pandinig so kibit-balikat nalang ako at di ko masyadong pinansin. Nakabili narin ung kasama ko at tipong water lang din ang trip aside from another kasama na can afford mag coke so may i request si friend ng water pero mukang dinedma din sya ni cashir girl. Next in line ay may pumasok na lady na umorder din ng walang drinks, ewan ko lang din kung nag request sya ng tubig pero tapos na kaming makakain e wala talagang dumating, kahit dun sa usual place na nilalagay ung pitcher of water ay wala! omaygas! Watda-fudge! Inabutan na ata ng tag-tuyot sa Sbarro at no water policy ata sila ng umagang ito. may shortage na ata sa tubig kaya no appear ang crystal clear tubig! Then napansin ng eyes ko na mukang tapos na shift nung tontang cashier girl kaya keber nia sa customer na hoping to get tubig. So since walang tubig, bahala na si batman at umalis nalang kami after kumain at sa aking isip ay tumatak na..... Laganap na ang El Ninyo at pati Sbarro ay tinablan!
Labels:
Kwentong khanto
Be Strong Honey!
A man escapes from a prison where he has been kept for15 years. He breaks into a house to look for money and guns and finds a young couple in bed. He orders the guy out of bed and ties him to a chair.
While tying the girl to the bed he gets on top of her, kisses her on the neck, then gets up and goes into the bathroom.
While he's in there, the husband tells his wife:
"Listen, this guy is an escaped prisoner, look at his clothes! He probably spent lots of time in jail, and hasn't seen a woman in
years.
I saw how he kissed your neck. If he wants sex, don't resist, don't complain, do what he tells you, just give him satisfaction, no
matter how much he ravages you. This guy is probably dangerous. If he gets angry, he'll kill us.
Be strong, honey. I love you".
To which the wife responds, "He wasn't kissing my neck. He was whispering in my ear. He told me he was gay, thought you were cute,
and asked if we kept any Vaseline in the bathroom.
I told him where to find it.
Be strong, honey. I love you, too."
Tuesday, March 23, 2010
Aklas! Aklas! Iwasiwas!
Sa nagdaang-araw, lagi kong nakikita sa news ang tungkol sa pagwewelga ng mga iskolar ng gobyerno laban sa nagbabantang pagtaas ng kanilang matrikula sa susunod na pasukan. Welga to the max at aakalain mo na parang rally ng mga against gma dahil may plakard at kung ano-anong epek pa like megaphone at matching balibag at agaw eksena. Napuna ko ang kanilang ginawang paghahagis ng mga upuan, lamesa at blackboard ng school mula sa 4th floor at iba pa. Tapos kanina, ipinakita sa balita ang pagsunog nila ng mga bagay na kanilang itinapon.
Nakakalungkot at nakakainis! Sa aking isip at sa aking puso, iyan ang aking nadarama. Nakakalungkot kasi magtataas nanaman ang matrikula. Ang mga estudyante at magulang na todo effort sa pagpapaaral ng anak ay kelangan mag todo kayod til hingalin at maubos ang powers para makalikom ng pera. Nakaka-sad dahil kailangan nila na mag doble sikap upang makatungtong sa kolehiyo.
Nakakainis. Nakakainis kasi kailangan ba talaga nila na mag-malapeople power epek upang tumutol sa pagtaas ng tuition? Kailangan ba na umasal na tila mga aroganteng tao o mag mala-komunista style? Kailangan ba talagang magtapon ng gamit at sunugin samantalang may mga paaralan sa pinas na nangangailangan ng upuan at gamit sa pagtuturo. Walang pumipigil sa kanila na sabihin ang nasa loob subalit sana ay isipin na nakakasira din ng imahe ng mga iskolar ang ginagawa nila. Di ako iskolar at di ako matalino subalit ang sa akin lang ay dapat ay umasal sila na may pinag-aralan.
Nakakalungkot na laging nasisisi sa gobyerno ang kung anu mang masamang nngyayari sa bayan. Di ba nila naisip na lahat ay konektado sa ibang dahilan. Tataas ang tuition kasi tumataas ang bilihin. Tataas ang tuition kasi kailangan mag-upgrade. Tataas ang tuition kasi mahal na ang krudo na nakakaapekto sa iba pang bagay.
Nakakainis! Nakakainis din ang gobyerno. Nakakainis kasi parang di masolusyonan ang ibang bagay. Nakakasar kasi tila bulag sa katotohanan na hirap din ang mga tao.
Ang mga nasaad sa itaas ay pawang opinyon lamang ng isang tao at di kumakatawan sa pangkalahtang ideya. Maaaring may magtaas ng kilay o sumang-ayon subalit ang sa akin lang, nais ko lang magkwento at maglabas ng aking kuro-kuro.
Labels:
Kwentong khanto
????????????
I am not sure!
I am uncertain!
There's doubt!
There's fear!
I thought that it is easy to decide!
I thought its just a simple yes or no!
I thought its like flicking your thumb!
Yet here i am, dumbstruck and stunned!
Why do i have to choose?
Why do i have to select?
Why do i have to pick only one?
The answer is nowhere to be found!
Am i a small fish?
A small fry swimming on this large pool
or am i a big fish on a tiny pond?
the answer is yet to come!
I hate this!
I hate to decide!
It's painful yet i can't feel anything!
It's a burden that i cant swing!
Some will say follow your heart.
Some will say follow your mind.
Some will say follow your dream.
I dont know what my scheme.
Tough....
Hard.....
Excruciating.....
Currently deciding..................
Labels:
tula
Monday, March 22, 2010
ABS-CBN Summer Video ID!
Noong linggo, inilabas na ng ABS-CBN ang kanilang summer station id kung saan talagang okay ang summer concept at star stunning ang video! Greatness and energy pero may napuna lang ako, wala ata si willie at kris pero okay lang, other stars na ang pumuno sa kanila. Kapuna-puna din na sa video ay partner si Angel Locsin kay John Lloyd Cruz na mukang nakakaintriga at tila bagong pag-pair. Okay ung mga art na ginawa na kinuhaan on top view, parang nag art attack lang. Ang mga sexy girls at stars ng dos ay balot ng damit at di sila naka-two-piece or naka-bikini. Mukang ang ginawang pang-attract lang ay ang mga topless at muscle guys ng dos which is lugi, sana sila Anne, Angelica at others nalang ang naka pang-beachwear! over-all, pasado sa panlasa ang video!
Kwentong Khanto: Tipid Tips
Ilang linggo ko na din pinag-iisipan kung anu-anung hakbang ang pedeng gawin kapag malayo pa ang sweldo. Naghahanap ako ng paraan at mga ideya upang makapag-ipon o matipid ang pera sa bulsa.
Heto ang mga nahagilap ko at natutunan sa aking pagtambay sa mga mall tuwing rest day.
1. Maglakad nalang kung malapit ang pupuntahan. Sa aking pagtambay halos tuwing restday sa Megamall, nakagawian ko na lakarin ang papuntang Robinsons galleria mula sa Megamall kaysa sumakay ako ng bus para makadating sa Gale at upang makasakay pauwi. Tipid ka na sa pamasahe, may konting pagpapapawis ka pa o madaming pagpapapawis kapag mainit ang panahon.
2. Mas tipid kapag jeep. Tuwing ako ay bibiyahe pauwi, mas makakatipid kung ikaw ay sasakay ng jeep kaysa sa bus o kaya mag Fx. Ang normal na presyo ng pamasahe gamit ang jeep ay nasa 7 lang kung malapit. Sa Bus ay 11 habang sa Fx ay minsan 25. Sumakay lamang ng Bus kung mainit at di siksikan at sumakay ng FX kung gusto mong medyo confi. Taxi ang pinaka-last choice mo!
3. Humanap ng tatambayan sa mall na di ka makakagastos. Isang magandang halimbawa ay ang pagtambay sa isang bookstore kung saan pede kang magbasa ng libro. Di mo kailangang bumili kasi free reading atsaka madalas ay aircon pa kaya iwas sa init ng panahon. Recommended place ko ang Bestseller ng Robinsons galleria samantalang di ko gaanong i-aadvice sa powerbooks ng Megamall kasi madami na ang tambay dito.
4. Isa pang magandang tambayan sa mall kung saan di mo na kailangan ang gumastos ng malaki ay sa isang arcade shop katulad ng WOF o worlds of fun o kaya ay Tom's world. Mas maigi kung ang arcade shop ay gumagamit ng tokens kasi tiyak mura ang bayad, 5 pesos or 6 lang ay makakalaro ka na. Di ko masyadong irerecomend ang timezone kasi magka-card ka at kadalasan ang game ay nasa 8 pesos above. Di ka din makakatipid kasi minimum bayad sa load ng card ay 100. Minsan may matitira pa sa niload mo kaya di mo nasulit. Kapag-toke, ang 20 pesos mo ay sapat na upang makapatay ng 2 oras ng pagtambay. Maigi din na manood sa ibang malalaro upang matuto, may natutunan ka na, nalibang ka pa sa panonood.
5. Kung magtitipid ka naman sa pagkain mo sa mall, maisusuhestiyon ko ay kumain sa foodcourt. Bakit sa foodcourt? Dahil may water fountain! Tubig ay buhay! Mabubuhay ka na sa tubig minsan kaya di mo kailangan gumastos ng todo! May mga makakainan sa foodcourt na mura kung walang drinks na kasama. Isa pa ay kadalasan gagastos ka ng malaki sa may drinks na food subalit ang drinks ay tadtad ng yelo! Over tabang!
6. Sa kuwentong pagkain padin, eto ang mga suggested food ko na kadalasang aking binibili. Unahin na natin ang Hong Kong Style noodles, sa halagang 27 pesos, solb na. Sumunod naman ay ang Paotsin. Ang fried dumplings worth 41-45 pesos na dumedepende din sa location ay isang manlaman tiyan dahil solb ka na sa pandan rice nila na may kasamang apat na pirasong dumplings. C2, ang pambansang tea! Bumili nito kung ayaw ng plain water ng drinking fountain, kung choosy, try mo mag zesto.
7. Kung sa pamimili naman ng damit, mas maigi ang mamili sa department store kesa sa mga special botique o kaya sa mga branded store. Mas mahal ang mga t-shirt sa branded store at tila ang pangalan lang ng damit ang iyong binabayaran. Normal tshirt sa branded shops ay nagkakahalaga nng 400 pataas samantalang ang ibang tshirt sa department store ay nasa 150 lamang hanggang 300. Isa pang ikinaganda sa pagbili sa department store ay mas kakaiba ang design nila at mas iba ka sa iba na lagi ay habol ay branded shops like bench, tribal etc.
8 Kung mamimili naman kayo ng pantalon, mas makakatipid kayo kung sa St. Francis square bibili o sa divisoria o greenhills. Kadalasan ay pantalon ay nagkakahalaga lamang ng 250 hanggang 350. Ang mga disenyo din ay ayos naman. Kung ikokompara mo ang presyo ng pants sa sale ng branded items, mas tipid ka padin dahil nasa 400 ang pants ng sale items lately at tila magmamahal pa. Mas recommended ang sa St. Francis sa mga may maliliit na waistline dahil tiyak na may kakasya sa inyo.
9. Makakatipid din kung manonood ka lang ng mga mall events o mall tour imbes na manood ng sine. Kadalasan ay gagastos ka ng around 180 - 250 sa isang palabas na minsan ay single screening pa. Ang panonood ng mga mall tours ay nakakaaliw din at di mo na kailangang gumastos ng kahit na ano.
10. Kung nais manood ng pelikula, tiyakin na di ka masyadong sasabay sa buhos ng tao at kung kelan mainit at bagong labas pa ang show. Madalas na mas mahal ang charge sa unang labas ng pelikula dahil minsan ay may 3d pa. Mas malaki din ang chance na single screening lang ang palabas kaya di mo masusulit ang perang iyong binayad. Hindi bale na sa 2nd o 3rd week ka nanood, ang mahalaga ay napanood mo padin ang palabas at kahit paano ay di ka umasa sa debidi. Last chance mo o last card mo ang mag DVD kapag wala ka talagang pera o wala ka naman makakasamang manood ng pelikula at kung di mo talaga trip-na-trip o pinakahihintay ang isang palabas.
Hayan ang mga sampung tips na aking naobserbahan at natutunan sa pagtambay at pagpunta-punta sa mall. Sana ay may maitulong sa mga mambabasa.
Labels:
Kwentong khanto,
tipid tips
Sunday, March 21, 2010
ColorCoding!
Matagal na itong kumakalat sa facebook pero ngayon ko lang napagdesisyonan na ipost. Akala ko lang kasi nung una inilagay sa bioman ang pics ng mga kandidato pero ngayon ko lang napansin na ang mga kulay ay naaayon din sa politikong gumagamit.
Labels:
Politika
Friday, March 19, 2010
One Piece 578: He Who Must Live to See a New Age
Yo! Ngayon ay nailathala nanaman ang panibagong kabanata sa pakikipagsapalaran ng bidang si Luffy sa kamay ng mga Marino.Kung matatandaan, noong nakaraang episode ay lumaban si Teach sa Marino at pinakita ang powers nia sa madlang pipol. Sa bagong yugto, ipinakita ang halos pagguho ng Headquarters ng Marine. Dito ay talagang todo effort sya na pabagsakin na ang tower o ang fortress of Justice. Sa isang bahagi ng chapter ay pinakita na nagpakitang gilas si Senggoku at tila lumaki at may kapangyarihan ng shockwave. Ngayon ay naghaharap si Teach at ang isa sa mga taga-Marines.
Sa kabilang dako, matatandaan na tinatangka ni Jimbei na itakas si Luffy sa kamay ng militar subalit sya ay pinipigilan ng isa sa Marine Admiral na si Akainu. Tila napataob ng admiral si Iva-san at ngayon ay todo habol na sya sa Merman na ex-shikibukai. Umatake ang admiral na may kakayanan na Magma at tinamaan si Jimbei subalit tila tumagos ang atake at tinamaan si Luffy. Tinangka ng ex-shikibukai na gamitin ang dagat na malapit sa kanya dahil mas lalabas ang kapangyarihan nia subalit ang karagatan ay pinagyelo na ng isa pang admiral na si aokiji. Doomed na si Jimbei subalit to the rescue si sandman Crocodile kasama din ang mga Vice-captain at mga tauhan ni Whitebeard. Nais nila na makaligtas si Luffy at makita ang New Age. Tumilapon sa ere si Jimbei sa pag-lusob ni Akainu subalit tyempo naman na lumilipad sa himpapawid si Captain Buggy at nasalo ang bida at ang merman.
Sa kanilang pagtakas, biglang may lumutang na isang submarine at kinukumbinsihin sila na sumama at gagamutin ang damaged at sugatan na si Luffy. Ang nakakagulat na pangyayare, si Trafalgar Law ang lider ng nasa submarine kung saan ay matatandaan na si Law ay isa sa parang rival ni Luffy. Ano ang kahahantungan ng bida? Abangan.
Labels:
manga
NARUTO SIPPUDEN DEFORMER FIGURE COLLECTION 2
Sa parehong website na Bandai-asia.com, nagrelease din ang Naruto ng kanilang toy figure. Inilagay ko sa blog ko ito dahil alam ko na marami-rami din ang fanatic ng naruto. Ang Naruto figure nila ay most on the story ni Naruto at kay pain at kasama na ang sasuke story.
ONE PIECE COLLECTION - OUKASHICHIBUKAI VS!!
March na ngayon at inilabas na sa Bandai-asia.com ang bagong candy toy ng One Piece. Nakaka-excite dahil ang bagong laruan na kanilang ilulungsad ay nakasentro sa mga Shikibukai ng One Piece. Ang mga Shikibukaii ay pawang task force ng marino na parang tagabalanse ng mga pirata at marino. Ang disenyo ay naaayon sa episode kung saan si luffy ay tinatangka na iligtas ang kapatid na si ace sa bingit ng kamatayan at kung saan ang ama-amahan ni ace na si Whitebeard ay lumusob upang iligtas ang anak-anakan.
1. Luffy (Wax Power)- Heto ang disenyo kung saan ay si Luffy ay nababalot ng kapangyarihan ni Mr. 3 na Wax. Eto ang ginamit niya para makalaban kay Magellan na may poison power.
2. Fire Fist Ace- Ang kapatid ni Luffy na nais niyang iligtas.
3. Whitebeard- Ang ama-amahan ni Ace. Sya ay ay may kapangyarihan ng earthquake!
4. Hancock Boa- Isa sa Royal Shikibukai, ang tinamaan ni kupido at nailove kay Luffy. May kapangyarihang gawing bato ang kalaban.
5. Kuma- Isa din sa Shikibukai. May kapangyarihan na ideflect ang mga paglusob ng kalaban at may kakayanang magpa-teleport.
6. Mihawk- Ang shikibukai na na dating nakalaban ni Zorro. May malaking espadang hawak na hugis krus.
7. Don Flamingo- Ang may kakayanan na kumontrol ng ibang tao na parang marionette.
8. Gecko Moria- Ang isa sa nakalaban ni Luffy sa Thriller Bark. May kakayanan na kumontrol ng anino.
9. Jimbei- Isang shokoy o Merman. Shikibukai na tumiwalag dahil sa panata nia.
10. Marcial D. Teach- A.k.a Blackbeard. Dating miyembro ni whitebeard subalit pumatay ng kasamahan. May powers ng kadiliman.
Ako ay mag-iipon ng aking suweldo at ng perfect attendance upang makumpleto ang set na ito. Excited na talaga ako na makuha at madisplay ang set na ito kaya aabangan ko ito sa mga mall.
Labels:
anime,
one piece,
Pictures,
shikibukai,
toys
Thursday, March 18, 2010
Presidential Shirt
Ako ay tumitingin ng mga recent post ng mga friends at kakilala sa facebook ng makita ko ang isang post na nagbebenta ng tshirt na may imahe o caricature or cartoonized na image ng mga presidentiables at mga vice-presidentiables. Nakakatawa na ngayon ay tila pede na ding gawing pang negosyo ang mga kandidato at pede na din para makapag promote ng vote wisely campaign. Ang larawan na aking ginamit ay galing sa facebook account pero tadtad ng watermark marahil para maprotektahan sa mga pirata ng design.
Ang mga designs ay makikita sa link na nasa ibaba:
Labels:
Politika
Sunday, March 14, 2010
Sino ang Dapat Sisihin?
I got this video from facebook. Funny, hilarious and naughty!
Bubble Gang Declamation: Sino ang dapat sisihin?
Bubble Gang Declamation: Sino ang dapat sisihin?
Labels:
youtube
Saturday, March 13, 2010
Resigned!
Kabubukas ko pa lamang ng computer at aking nalaman na ang 3 sa mga dancers ng wowowee ay nag-resign na. Umalis na sa show ang tatlong batikang dancers(parang aso lang ah, batikan). Ang tinutukoy na dancers na nagresign ang mga splitera at mga kangkunis girls na sila Milagring, Luningning at Mariposa! Nabawasan na ng sexy girls sa show ng wowowee pero mukang tuloy padin ang buhay. Anyway, may mga fresh new girls naman sa show na dinedevelop na akala mo ay larawan lang :D
Heto ang larawan ng nag-resign na mga dancers:
Ang buong kwento ay mababasa sa link na:
http://ph.news.yahoo.com/pep/20100310/ten-pep-exclusive-luningning-mariposa-an-fb4fa78.html
Labels:
TV
Friday, March 12, 2010
Fairy Tales: how it really ends!
Noong isang araw lamang ay nakatanggap ako ng spam email galing sa aking ka-batch na si HL. Ang nilalaman ng email ay tungkol sa mga kinahinatnan ng mga bantog at kilalang babae sa mga fairy tales. Tingnan ang kanilang larawan sa ibaba at tunghayan ang naging buhay nila.
Cinderella
Sleeping Beauty
Snow White
Belle (Beauty and the Beast)
Jasmine (Alladin)
Little Red Riding Hood
The Little Mermaid
Labels:
fairy tales endings,
Pictures
Thursday, March 11, 2010
One Piece 577: One Outrangeous Development After Another
Huwebes ngayon at mukang maaga ang pagpapaskil ng bagong kabanata ng mga pirata. Mabilis ang pagtratranslate sa ingles kaya heto at nailathala na sa onemanga ang sumunod na istorya matapos ang kamatayan ni Whitebeard.
Ang mga unang bahagi medyo wala lang! Ito ay nagsasaad ng pagbabalita na si whitebeard ay patay na. Ganun lang! Mga dalawa o tatlong pahina na tungkol sa pagkakaalam ng nakararami na patay na ang rival ni Gold Roger. Ang sumunod na mga pahina ay tungkol sa pagtangis ni Captain Bugy dahil di niya nagawa ang planong pagkitil kay whitebeard. Nagmamadali syang makatakas pero inaakala ng mahihinang pirata na isa siyang magiting na tao dahil inakala nila na umiiyak sya dahil sa awa sa kalaban.
Sa ibang ibayo ng kwento, patuloy ang pagtakas ng mga pirata at ang plano na isalba si Luffy sa kapahamakan. Malaking balakid si Aokiji dahil ginawa niyang yelo ang tubig at hirap na makaalis sa pwesto ang mga barko. Si Jimbei na siyang may dala kay Luffy ay nagflashback sa pakiusap noon ni Ace na kung sakaling mamamatay si Ace, kailangan niyang protektahan ang nakababatang kapatid. Sa ganitong eksena, lumabas uli ang admiral ng marino na may kapangyarihan ng lava at pinigilan sila. Nagsambit si Jimbei na di nya ibibigay si Luffy over his dead body! wow! me ganung factor! Si Iva-san ang umatake sa admiral.
Sa isa pang dako, si Teach ay nagpahayag na siya ay kalaban padin ng marines. Sa di inaasahang kaganapan, ginamit niya ang kanyang blackhole power at siya kasama ang labi ni whitebeard ay naglaho ng panandalian. Makalipas ang pagkakawala sa eksena ni Teach, siya ay bumalik at ipinamalas ang kapangyarihan ng kanyang sinumpang prutas. At hindi lang doon nagtatapos ang pngyayari dahil ipinakita niya ang kapangyarihan ng lindol o earthquake na siyang kapangyarihan ni whitebeard. Nalaglag-panga at lumuwa ang mga mata ng nakasaksi! Ang power ni Whitebeard ay kaya na ni Teach! Pakingship! Nagawa ni Teach na magtaglay ng dalawang kapangyarihan samantalang ang alam ng iba ay tanging isang devil fruit lang per person! Amazing. Ngayon, naghayag si Teach na eto ay kanyang ERA na! itutuloy!
Labels:
manga
Khanto Pick: Yoshi's Story
Eto ang video ng Super Mario World Cartoon kung saan may kwento kung paano nakasama sa storya si Yoshi, ang dino na humahaba ang dila at kumakain ng kung ano-anung anik-anik!
Enjoy watching!
Labels:
khanto pick,
youtube
The Box!
Nagbabasa padin ako ng Hajime no Ippo sa onemanga.com at nasa episode 758 na ako ng nakuha ang atensyo ko sa takbo ng kwento. Dito ay pinag-uusapan ang tungkol sa pandaraya sa loob ng boxing kung saan may nagaganap na fixing na laro. Pedeng manalo ang isang boksingero kung magbabayad sila ng pera.
Nakakatawa na parang makatotohanan pero ang masakit ay ang boksingerong naglalaro ng fixing game sa nasabing kwento ay isang pilipino. Yeps! Based on the story, isang pinoy ang may kakayahan na magpanggap na natatalo upang papanalunin ang kalaban na nagbayad. Alam ko na ang istorya sa manga ay malayo sa katotohanan pero di ko maikakaila na minsan ang mga gantong kwento ay malapit sa katotohanan kahit papaano. Ang masakit lang, of all the races, pilipino ang napiling example.
Napaisip lang ako, sa laban ni Pacquiao, naka-encounter na kaya sila ng ganitong offer na ang napatumba nia ay nagpangap lang na talo?
Labels:
manga
Wednesday, March 10, 2010
Horn! Horn! Horn!
Nagulat ako sa pinop na link sa akin ni Gepz about sa isang nakakatakot at nakakapagpabagabag na larawan ng matandang babae na tinubuan ng sungay. Whata Horn! Creepy kasi itim ang horn na similar sa dark angels.
Labels:
Pictures
Subscribe to:
Posts (Atom)