Noong nakaraang weekends, lalo na nung sumuweldo ay napagpasyahan ko na maglibang at ienjoy ang pinagpaguran ko kaya noong kinsenas ng mayo ay nagpunta ako sa paboritong tambayan na megamall at dun ko binili ang toy collection ko na one piece at kumuha ako ng larawan ng lego town at kumain ng seafood marinara na sizzling. Ang mga larawan ay makikita sa ibaba.
Ngayong pumasok naman ang suweldo ng katapusan ay sumama ako sa paanyaya na mag swimming sa Rizal area. Kasama ang lima sa mga ka-opisina, nagpunta kami sa Club Serene Resort. Dito ay nagstay kami ng 24 hours para mag relax, uminom, lumangoy at magpakasaya.
Mula sa friday shift sa opisina na 12-9am, diretso kami sa place pero nag stop muna kami sa mall upang bumili ng food tulad ng roasted chicken, chips, bread at water. Bumili nalang kami ng kanin sa isang karinderia.
Eto ang mga larawan pagkadating namin sa lugar.
Pagkabayad sa Cashier ay diretso na sa room na aming nirent at dun humilata at nagpicture-picture. Okay ang room kasi hindi kulay pula, yellowish/orangish ang theme ng walls. May dalawang kama at may tv at cr. Since tanghali na din, napagpasyahan na naming kumain.
wala ako sa litratong ito.
Inaayos ung flush ng cr!
Matapos makakain ng tanghalian ay nagpahinga kami ng kaunti saka nagpalipas ng kasagsagan ng tirik at sikat ng araw. Mga 3 na kami ng hapon magsimulang lumusong sa pool area. May limang pool sa resort na ito. Isang 5 feet pool na may slides, isang hagdan-hagdang pool(Combo- Upper part ay kiddie pool, mid part ay 5 feet at bottom part ay 4 feet) at ang last pool area ay ang 7 feet na pool. Dun kami tumambay sa may malalim na part kasi di dagsa ang tao at walang bata(Bawal, mahigpit na patakaran). Okay na sa malalim kahit sa gilid-gilid lang na may tungtungan kesa makipagbunguan sa madaming swimmers. Walang lumalangoy sa gitna kasi talagang malalim.
Mga 6 ng gabi ng napagpasyahang bumalik muna sa room kasi inaantay namin ang isa pa naming kasama, si emo. Nanood nalang muna kami ng telebisyon at matapos noon ay naghapunan ng biniling fried chicken (Chicken padin, prito mode naman hindi roasted). After makakain ay nagsimula ng mag-inuman, pero pagud-paguran mode ako kaya pumuslit ako ng idlip/tulog. Di ko alam kung kinuhaan ako ng larawan habang tulog. Natapos na ang unang bote ng the bar ng magising ako at nakisali sa tagayan. Kwentuhan to the max. Nakaubos kami ng 4 na the bar. Matapos ng mabote-boteng usapan, bangag na halos ang lahat pero nag swim padin para mawala ang amats.
4am na kami ng nagpasyang magpahinga. 8am kami nag-almusal at nagprepara nadin kaming umuwi. Bago umuwi ay nanood ng tv at kinain ang ibang tsitsiryang di naubos. Okay ang day except nanakawan ng tsinelas ung kasamahan naming dalawa. patetik, tila 2 pairs lang kinuha, tinira nila ung tsinelas ko. Bago umuwi ay nagyakult pa kami.
Sulit ang dalawang weekends ko at sana sa June ay magkaroon ako ng chance na makapag unwind and magtanggal ng stress.