Monday, May 10, 2010

Bitches Out!



Friday pa lang ay excited na akong panoorin ang survivor pero may pasok ako at baka ma-late ako pag di pa ako umalis kaya konti lang ang napanood ko noon. Kahapon, mothers day, talagang inabangan ko na mag 12 at ilipat ang channel sa 9 upang panoorin ang replay. Di ako nagsisi kasi talagang naaliw ako sa new episode ng Survivor.

Sa new episode, nagkaroon ng twist. Walang reward challenge. Dalawang immunity challenge ang paglalabanan. First challenge ay endurance game kung saan nakatali ang isang kamay ng players sa kadena na nakakabit sa dram na may colored water. Kailangang mapanatiling nakataas ang kamay sapagkat pag naibaba ito at nangalay, aside sa colored water e eliminated sila sa challenge at maglalaho ang chance na makuha ang immunity. Sa first round, tinempt na ang challengers ng cookies biscuits at oatmealbars with milk. Bumigay sa temptasyon si Sandra at Rusell at pinaghatian nila ang pagkain. Second temptation ay donut at milk at ang bumigay ay si Colby. Sa peanut butter and jelly sandwich at chips naman bumigay ang tatlong girls na sina Jerry, Danielle at Candice. Naiwan si Rupert at Parvati para sa immunity subalit nadulas si Rupert making Parvati the winner and immuned sa boto.

After the challenge ay nagbigay ng clue about sa hidden immunity idol ang host. Pagdating sa camp, search mode na ang lahat. natagpuan ni Sandra ang item pero tinago nia muna habang si Rupert ay nag bluff at kumuha ng bato at nagpanggap na nakuha ang idol para di sya maiboto. Gumana ang plan nia at nag-alinlangan ang mga villains. Pinagdesisyunan na hatiin ang vote between Rupert and Colby ng heroes. Pero napunta ang target kay Candice kasi asar ang mga girls ng villains sa traydor ng heroes. sa bandang huli ay ang traydor na si Candice ang natanggal sapagkat ibinoto sya ng kapwa nia heroes.



After noon ay isa pang immunity challenge ang naganap. Both physical and mental ang laro. Ang first part ay pagtakbo ng 100 m para sa digging point upang hukayain ang isang peg. Kailangang gamitin ang peg para itawid sa maze. Unang lima ay pasok at mag-momove sa next round. Secoond round ay pag-akyat ng slope gamit ang peg, parang wall climbing challenge. Last round ay sliding puzzle. Sa immunity challenge na ito ay nanalo si Rusell.

Back sa camp, tila naparanoid si Rusell sa closeness ni Danielle at Parvati kaya siniraan nia ang dalawa sa isa't-isa. Muntikan na gumana ang plano nia pero nag-iisip si parvati kaya kinonfront nia si Danielle. Nabisto ang paranoia ni Russ subalit nakaisip padin ng plano ang mokong at sinabi sa natitirang heroes na si Danielle ang iboto. Sinunggaban ng heroes ang offer. Since mag-ti-tie ang vote, 3 against rupert at 3 against Danielle, pinipilit ni Russ na makuha ang vote ni jerry.

Sa tribal council, na-ungkat ang plano ni Russ at nagkaroon ng slight pagtatalo kung bakit kailangang mapunta ang target kay D. Napaiyak pa ang babaeng may tahi ang dibdib pero sa bandang huli ay natakot ni Russ si Jerry na sumunod sa vote para kay Danielle. Tsugi si Danielle.



Nakakaaliw kasi alliance of 3 dapat sila Parvati, Danielle at Rusell pero due to paranoia at over strategizing e mas pinili ni lalaki na paghiwalayin ang dalawa upang masolo nia si Parv. Nakakapanabik ang next na episode dahil pissed si Parvati sa ginawa ni Rusell.