Sunday, May 2, 2010

Pactio! Tsup-Tsup-Tsup!



Noong nakaraang buwan ay iblinog ko ang tungkol sa manga na Negima kung saan ang isang 10 taong gulang na batang lalaki na isang mage at kung saan siya ay naging guro ng all-girls school. Sa anime na ito may kwento tungkol sa pagkakaroon ng added power ng bida kung makakahanap siya ng partner at gagawa ng pact sa pamamagitan ng halik. Heto ang mga sample ng pactio cards kung saan ipinakita ang mga larawan ng mga babaeng nahalikan ng bida.

Unahin muna natin ang mga larawan ng palpak na pactio kung saan di talaga lips to lips ang halikan at ang resulta ay weak na cards.









Eto naman ang mga nabuo sa pakikipag labi sa labi ng bida sa mga studyante nia. Huwag mag-alala, wala namang kasamang tongue action o todo laplapan. Just plain lips to lips. Saka walang halong hand movements while kissing kaya di sya hentai.


Sa Manga, hangang kay Chachamaru palang ang nahahalikan ng bida subalit sa internet, tila madami na atang nagawang pactio cards si Negi. Di ko sigurado ang mga cards sa ibaba pero tila makukuha din ni Negi ang kanilang matatamis na labi kasi may mga pagtingin din sila sa bata.