Nagising ako kanina dahil sa lakas ng kwentuhan sa bahay. Ewan ko kung anong meron pero since napadilat na ang aking mata, go na at labas na ng kwarto upang kumain ng hapunan at maghanda sa pagpasok. Aba! Nanonood pala ng Kimerald at un ang pinag-uusapan. Nag-commercial at pinakita na last day ng serye ni Juday. Pimbong! Heto pala ang dulot ng noise sa kabahayan. Magtatapos na ang seryeng matagal ng natapos ang last day pero itinago sa baul kasi di pa gaanong powerful noon.
Habang kumakain ng hapunan at matapos naligo, tumatakbo padin ang serye ni kim choi. Then suddenly....... Habang May Buhay...... Ang theme ng serye ay narinig na.... Alam na..... Napapanood ko to simula nitong month ng may kaya medyo alam ko din ang takbo ng istorya. Si Gladys Reyes ang dakilang kontrabida ni Juday P*day(yan ang tawag sa kanya sa bahay kasi nagra-rhyme). Madami na syang napatay para lang makapaghignti kay juday dahil niagaw nia si derek. Sos! Binuwang ng pag-ibig! Aun, Sa last week ay mula sa kulungan ay nakatakas para maghiganti. Tantararan! Kinidnap ni Gladys ang anak ni juday na nabulag dahil sa katangahang nadulas sa baso ng coke. Nilagay sa abandonadong lugar at tinawag ang ina para sila ay magharap na. It's the final countdown!!!!!!
Ang last episode ay obvious na! Seryeng gawa sa abs ay minsan predictable talaga! Since may sakit sa puso at bulag ang anak, possible na may mamamatay at iaalay ang pusot mata. Tumpak! Bingo! Wagi! Winner! Tama nga ang hula. Deads nga sa laban si Juday kasi nabaril at may i offer naman ang mata't puso sa anak at asawa. Tapos syempre, deads ang kontrabida kasi nakuryente habang nakikipaglaban. Sa huli, lumaki ang anak na kamukha ni juday(si juday talaga) at nag nars din. Tapos.
Nakaka-aning ang ending. napaka-corny at di gaanong exciting. Parang iyo't-iyundin ang kinahihinatnan ng mga tauhan sa serye ng pinoy. Nakuryente lang ang kontrabida na madaming napatay? watdapak? sa dami ng buhay na nawala un lang ang kinahinatnan? Dapat ganito ang mga possible na ending ng kwento.
1. Bakit imbes na sa abandonadong bodega pede naman sa gitna ng lrt. Showdown kung showdown, matalo masasagasaan ng rumaragasang tren! o ha! Tiyak masasabi talagang winner ang winner kasi sure deads ang kalaban.
2. Kailangan bang laging patayan ang ending? How about bato-bato-pick nalang! Panalo ang makaka 10 milyong panalo na katumbas ng mga bumoto kay erap. Ewan ko lang kung di mangalay ang braso nila kakapili sa papel, gunting o bato.
3. Para sa kontrabida na naghihiganti na nakapatay ng madaming tao, ang end part na kinidnap ang bata ay corny. dapat gumawa sya na parang saw. Hello Juday! I want to play a game! Diba magiging exciting kung may time limit para makatakas ang bida kung hindi surebol deadbol!
4. Whats dis? Nakoryente ang kalaban? Whats dat? May rotation brownout at mataas na singil na kuryente tapos kuryente padin ang cause ng death. Dapat kakaibang twist. Lalabas si wolverine at eeksena. Imbes na makuryente e ibeberserker-barage ni wolvy ang kontrabids. Tapos aask ni wolvy ang bida kung anong ang gagawin, adobo cut, porkchop o giniling.
5. Bakit sa ending, kailangang puso at mata ni juday ang gamitin? Hindi ba pede ang mata at puso ng kontrabida? natanung ko lang sa sarili ko, since puso ni juday ang napunta sa asawang hunk na si derek, magiging pusong babae ba siya?
Ang sabi sa bahay, walang basagan ng trip! Wag ko na daw pakealamanan ang istorya. Nagmamagaling pa ako kesa sa script writer at direktor..... Hala! Bahala na basta sa akin, walang dating ang ending. 4/10 ang score! Badukis ang ending at walang thrill. Yun Lang!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???