Kanina ay ipinakita sa akkin ni spiderham ang sequel ng callwork na aking nai-feature dito sa blog ko. Grabe, may book 2 na! Chef! Nakaka-excite! Sabik na akong mabasa ito pero pila-balde na! Andami na ang nais din magbasa kaya pumasok ang envy sa isip ko kaya napag-isipan ko na after shift ay bibili din ako ng librong iyon. Hayun na nga at gora na ako sa national bookstore sa ever gotesco pero shet, wala. Fly me to the moon at lipad ako sa next national bookstore. Shet parin na malagket, wala din. Tanghali na, ayoko na, choose another nalang. biglang.........Boom! Mga Kwento ng Batang Kaning Lamig ang bumulaga sa akin.
Binili ko ang librong ito at binasa. Okay sya though di sya tulad ng style ng Proud Callboy na dapat kong bibilhin ay keri lang. Ang librong ito ay kwento ng isang lalaki na nagdecide na lumipad patungo sa america. Hindi sya tipical na libro kasi hindi sya kwento pero di rin comiks. May part na question and answer na mula sa readers ng author na humihingi ng walang kabuluhang payo o kaya ay out of the blue question. Habang binabasa ang libro, nakakaaliw at nakakatanggal ng stress kahit paano. Di ko masyadong inirerekomenda tong librong ito sa mga madaling mandiri sa mga salitang kulangot, betlog, at kung-anu-anu pa.