Friday, May 28, 2010

Agimat! Agimat!



Sa ASAP XV pinalabas ang next batch ng soon to be Agimat stars nila. Matatandaang hit sa madlang people ang mga naunang shows nila kaya binili na din ng kapamilya ang rights para sa next in line na mga taong magtataglay ng agimats.



Naghit na sa telebisyon ang taong kayang tumalon-talon na parang tipaklong na si Tiyagong akyat. Nagwagi ang karug na taong tagapaslang ng mga aswang na si Pepeng Agimat. Patapos na ang sumunod na serye na tungkol sa taong butiki na si Tonyong Bayawak. Coming Soon na ang taong may wirdong bandana na may Paniki, si Elias Paniki. Base sa ipinakita sa TV, ang mga next heroes daw ay sila Kapitan Inggo, Pepeng Kuryente, Bianong Bulag at Boy Pitik.




Napaisip lang ako, Kung maghihit pa ang shows na galing sa past, siguro pede na nilang gawan ng show sila Tinay pinay, Kombatron at Planet Op di Eyps ng Funny Comiks.



Pede din silang mag-imbento nalang ng names na may hayop ang pangalan tulad ng Islaw Kalabaw, Boy Butete, Horasyong Hunyanggo, Bertong Baka, Pedrong Pugo at iba pa. Pede nilang gamitin bilang bida sa palabas sina Chokoleit, Bentong, Joebert Sucaldito at madami pang iba.

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???