Sunday, May 16, 2010

Survivor: Final 5



Sa lunes na ang Season finale ng survivor. 2 hour special ito tapos may kasamang survivor reunion. Heto ang mga nalalabing survivor sa isla, dalawa ang matatanggal at magiging jury at 3 ang sasabak para makamit ang milyones at tanghaling winner.



1. Colby- Mula sa Season 2 survivor at sumali sa survivor all-star, eto ang pangatlong beses na pagsali nia. Since 10 years na ang nakaraan ng huli siyang sumali, nagli-low na ang powers at di na nananalo sa mga immunity challenges. Siya nalang ang natitirang hero kaya may posibilidad na matanggal na at saka pinanghihinaan na ng loob.



2. Jerri- Kasama din sa Survivor Australia o season 2 at all-stars. Sya ang kinaiinisan noon pero di na gaanong nakakapang-init ng ulo sa season na ito. Tila natutong wag mag outshine o mag rub ng back in a wrong way. Nakipag-alliance sa tamang grupo dahil sunod-sunuran sya kay russell.



3. Rusell- Galing daw sya sa season 19 o ang season bago ang heroes vs. villainskaya walang ideya ang iba sa game play nia. Siya ang naging king sa game ng mapatalsik si Boston rob. Cunning at duvilish ang dating subalit sa dami ng inis sa kanya at na-blindside nia, imposibleng manalo pa sya.



4. Parvati- Winner ng Survivor Micronesia o ang fans vs. favorites. 3rd time nia na din magcompete sa survivor. Sya ang reyna ng survivor dahil sa ganda at pagiging foxy. Sya ang reyna ng endurance challenges dahil magaang at kalmado.



5. Sandra- Winner ng Survivor Pearl Islands. Sya ang babaeng di kagalingan sa immunity challenges at physically weak. Main advantage salaro ay di sya pinupuntirya kasi alam ng iba ng kakaya-kayanin sya at madaling matalo. Magaling syang makasagap ng usok para iligtas ang sarili.

Sila ang limang natitira at tila yan din ang order ng mawawala at mananalo ayon sa kumakalat na spoilers. Basta villains padin!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???