Sunday, May 23, 2010

Khanto Review: Shrek 4



Antagal na din ata ng huli akong nanood ng sine. Last movie na napanood ko ay ang clash of the titas. Madami pa akong movieng gustong panoorin kaso minsan limited budget at saka tinatamad ako kasi tinatamad lang ako. Naiingit ako sa biglang lakad tapos nanonood ng movies. Kahapon ay inabangan ko talaga ang magbukas ang mall kasi pinangako ko sa sarili na manonood ako ng sine para pantanggal ng stress. Fly ako kahit walang pakpak sa Robinsons Galleria para manood dapat ng Here comes the bride kasi comedy to kaso nakasimula na ang pelikula kaya tingin ako ng iba. Then there's Shrek 4.

Shrek 4, i choose you!!!!! Kahit nalaktawan kong panoorin ang Shrek 2 at 3, pinili ko padin manood nito kasi enticing ang trailer nia. 1:20pm ang umpisa kaya pahinga mode muna sa upuan kasi galing akong shift. Walang masyadong movie trailers na pinakita kaya boring. Then umpisa na.

Nagsimula ang kwento sa pagflashback sa magulang ni Fiona na makikipag deal dapat kay Rumpletiltskin (main kontrabida) upang mawala ang kanilang problema. Pipirma na sana ang king at queen subalit napigilan ito ng malaman na nakalaya na si Fiona sa tulong ni Shrek. Gumuho ang mundo ng echoserong si Rumple.

Nagforward na ang kwento sa bahay ni Shrek kasama ang asawa at 3 junakis. Masaya si Shrek sa mga unang part kaso tila paulit-ulit, paulit-ulit, paulit-ulit, paulit-ulit ang buhay nia at pangyayari sa buhay nia kaya medyo frustrated sya at di masaya. Tapos kaarawan na ng mga anak nia, may parteeeeee! Lalong nafrustrate ang ogre kasi tila wala ng natatakot sa kanya, tapos sinasabayan pa ng kung ano-anong shit kaya di nia nakayanan at sumabog ang galit. Napabulalas nia na sana ay di nia nailigtas si Fiona at na-meet sila donkey kasi noon, he is free as a bird ang drama.



Narinig ni Rumple ang hinaing ni Shrek, at dahil inis sya sa ogre, gumawa ng plano para madispatsa ang green guy. Inoferan nia ito ng deal na magkakaroon sya ng 1 day na back to old days na lahat ng tao ay takot sa mga ogres. Ang catch ay isang araw sa buhay ni Shrek. dahil clouded ang isipan ay pumayag si green thing at nakuha ang gusto. Subalit matindi ang kinuhang kapalit ni Rumple. Kinuha ang day na ipinanganak si Shrek sa mundo. Boom.... the rest ng kwento ay inyong mapapanood sa mga sinehan.



Maganda ang pelikula sapagkat maganda ang naging twist sa kwento. Sa pagpirma ni shrek ay na-alter ng tuluyan ang life ng mga taong nakapaligid sa kanya. Funny ang movie dahil sa mga eksena ng mga fairy tale characters na kahit saglit lang ay mapapagiggle ka kasi ang cute. May lesson din na natutunan kasi ipinaalam nito na minsan ay nasan atin na ang magandang bagay pero di natin ito napapansin hanggat di ito mawawala sa iyo.

Mga eksenang aking nagustuhan:



1. Puss in Boots(chubby mode). Nakakatawa kasi narelate ko sarili ko(biglang tumaba). Nakakaaliw ung eksenang bumababa sya mula sa isang poste. Cute din ung paawa effect nia na lumalaki ang kitty eyes nia para dilaan ni donkey ang balahibo nia kasi di na nia maabot.

2. Pied Piper- Siya ang hunter sa story. Di lang pala daga ang kayang kontrolin. Ang flute ay may selections kung ano ang kayang makontrol tulad ng napasayaw nia ang mga witches at ogres.



3. Gingy(Ginger breadman)- Nakakatawa ung part na ala gladiator/fighter at design ng damit nia at ang part na sasabihin nia sana ang tungkol sa importanteng bagay kaso kinain siya ni pussy. okay din sa akin ung nakikipaglaban siya sa mga ginger cookies.

4. Pinocchio- Ang batang mahilig magsinungaling. Gusto ko ung part na ang ilong nia ay napagkamalang broomstick ng witches. Gusto ko din ung part na ginawa niang mukang ogre si gepetto para makakuha ng reward.



5. Rumpletiltskin- Ang kontrabidang epektibo. Walang saysay ang istorya kung di ka maiinis sa kalaban. Nakakaaliw ung part na hihingi sya ng wig depende sa mood nia. Okay din ung part na nagpropromote sya sa mga taong bayan na kung sinong makakauli kay shrek ay magkakaroon ng deal of a lifetime.

Overall ang movie ay fabulous including ang musical scores, characters lines, characters, storyline, effects at scenes. Sa akin, 9 out of 10 ito.

2 comments:

So.......Ansabeh???