Thursday, May 6, 2010

Kwentong Jeepney!



Beep, beep, beep, ang sabi ng jeep. Beep! beep! beep! beep! Ang pambansang sasakyan ng masa ng pilipinas ay ang jeepney! Eto ang ang mahabang sasakyan na makikita sa mga lansangan ng metro manila para sa mga taong nag-cocomute at walang Anda upang mag-fx o kaya ay taxi.

Okay sumakay sa jeep kasi open air! ramdam mo ang hampas ng hangin sa iyong mukha lalo na kapag humaharurot at paspas ang takbo kasi walang trapik. Okay ang jeep lalo na pag gipit ka sa pera kasi mura ang pamasehe pero minsan, kapag sasakay ka dito ay may mga bagay na magpapainit ng ulo mo. Heto ang aking listahan.

1. Palaka- Sila ang mga kapawa pasahero sa jeep na sa di ko maipaliwanag e laging nakabukaka. Kahit siksikan na at sumisigaw na ang kunduktor na konting ipit lang ay dedma lang. Kadalasan ay mga lalaki ang mga palaka sa jeep. Sila yung tipong pa-siga epek na ayaw paglapatin ang binti. Di ko alam kung may sugat sa pagitan ng hita nila kaya di nila maisara ang legs. Minsan naisip ko, anu ba ang bird nito, ga-ostrich ba at ang eggbolls ba nia ay kasinlaki din ng ostrich egg? Nayuyupi na nga ang ibang tao e wa-pakels sa mga kapwa pasahero. sarap ilaglag!

2. Kulang-Kulang- Sila ang mga drivers o kundoktor na kulang manukli. Sila ang mga sugapa sa kita at tila ay di marunong magbilang. Magbabayad ka ng sampung piso, para makarating sa malapit na lugar at di ka lalagpas sa 3 km. Aba! aba! aba! pagkakuha ng pera, dedma na? Tila boblaks sa matematika at di marunong na 10-7 is 3. Nuknukan ng pagkabuwaya sa pera! ansarap ipukol ang barya sa mga matitigas na ulo ng mga driber na mga ito.

3. Paabot- Bayad po, makikisuyo lang........... 1.2.3.4.5.6.7.8.9.10........ Bayad po, makikisuyo....... BAAAAAYAAAAD POOOOOOO!................ MANONG SAAALOHIN NIO TONG PERA! Nakakahighblood ang mga puchanggalatang ayaw humawak ng pera ng iba upang iabot sa driver o sa kundoktor. Hellow?!!! May aids ba ang coins at ayaw mong ipasa?! Pupuwesto ka sa malapit sa driver pero wapakelya sa ibang makikisuyo ng bayad? Dapat sa mga taong ganto e pinuputulan ng kamay e. Mga imbalido sa buhay! Dapat sa kanila tubuan ng galamay para mag-abot ng bayad.

4. Aalis na, sakay na dali!- Eto ang buwisit kapag sasakay ka sa jeep na nasa terminal o station. Dito ay magtatawag ung barker ng pasahero. Kukumbinsihin ka na sumakay na kasi paalis na pero wag mong papatusin to, its a trap! Shemay, 20 years na kayo at di pa ito lumalarga. Aantayin na maging San Marino tuna kayo sa loob ng jeep bago umalis. Minsan e nakalagpas na ang sandamukal na ibang jeep na pareho ng byahe sa sinasakyan mo pero sitting duck ka pa din. Lusaw na sa init ng panahon ang make-up ng babaitang nag-aantay sa pagtakbo ng sasakyan. Ubos na nga minsan pawis mo sa loob ng sasakyan e nasa same spot ka pa.

5. Bumbuga- Eto ang mga pasaherong yosi-kadiri. Mula sa labas, paparahin ang sasakyan. Hihithit ng sandamukal sa sigarilyo bago itapon ang stick sa lansangan. Agter makapasok sa kaloob-looban ng jeep, duon ibubuga ang usok na umikot na sa lasoglasog at nagdedeteriorate na baga ng smoker. Aun, parang manok lang ang mga pasahero na mangangamoy yosi. Goodluck sa mga nakapostura at tiyak na sira ang mood ng taong kasabay nila.

6. Para-Para- Isang nakakainit ng ulo ay ang mga taong gustong bumaba sa hindi tamang lugar. Eto ang nakakairita tuwing umaga pag ako ay uuwi na. Ang mga tao na halos butasin ang kisame ng jeep at sumigaw on top of their lungs at lumambitin sa string to stuff para bumaba. Okay lang sana un kung talagang pupuwede dun sa exact spot na gusto nilang babaan kaso may nanghuhuling lispu! Tapos ang mga echosera at eskandalosang mga frog ay todo i hate you sa mamang driver na todo explain ng sitwasyon. Sarap pagbabatukan ng mga pasaherong ganto. Pag nahuli ang driver, sila ba ang magbabayad ng lagay sa pulis? hindi naman. mga kamote!

7. Menyakis- Sila ang mga pasaherong sobrang tag-libog. Ang mga taong  grabe kung makahanap ng chance upang makasilip ng nais silipin. Kalalakihan ang mga taong ito. Sila ung minsan ay naka-shades pa pero halata naman na todo effort sa pagsipat sa legs, cleavage at body ng isang babae na nasa harap nia. Bakit ko din masasabi na kalalakihan ang mga menyakis, kasi pati bading ay grabe din sa effort sa kamanyakan. Minsan aakalain mo ay hinuhubaran ka na sa katititig seo o kaya iba na ang tumatakbo sa isip nila. Bigla nalang may smile na makikita sa muka nila..... Scaryyyyyyy. Tila lahat nalang ng lalaki na makikita nila ay chinechek-out!

Yan ang mga madalas na makita ko at naoobserbahan ko sa jeep. Okay lang to kung paminsan-minsan pero sana ay di araw-araw maganap.