Thursday, May 20, 2010

Back to School!



Nakakatawang isipin pero ngayong ako ay nagtratrabaho na ay medyo nalulumbay ako at inaalala ang school days. Since ngayon ay back to training ako sa opisina ay nanunumbalik ang classroom days mula sa grade school hanggang college. May konting alaala din akong natatandaan noong ako ay nasa nursery.

Dati rati ay bago mag-umpisa ang pasukan ay excited na ang mga bata pag pumatak na ang buwan ng Mayo sapagkat eto na ang takdang panahon na ang mga kabataan ay magshoshopping ng kanilang mga school supplies sa mall. Eto ang mga araw na kailangan nilang makipagsiksikan sa nag-uumapaw na bookstore upang makapamili ng mga kagamitang masasabing cool. Eto ang time na kailangang matalas ang paningin ng mga bata sa mga katangi-tanging disenyo ng mga kuwaderno, lapis, ballpen, pencil case at kung ano-anong gamit na pedeng lagyang ng design. Dati rati ay unahan ang mga bata sa cutie-cute na notebooks katulad ng mga looney toons, superman at DC superheroes. Ngayong panahon ay mga Naruto, tribal design at power puffs ang makikita. Noon, kapag assorted ang desenyo ng mga notebooks mo ay cool ka na. Cool ka na din kapag ang name mo sa notebook ay computerized o may sticker names. Cool ka din kapag ang plastic cover ay ung isusuksok mo lang at di binalot ng plastic wrapper. Ngayon, tila mas uso na ang binder notebooks. Kahit nga ata mga estudyanteng nasa grade 4 ay ganun na din ang gustong kwaderno.



After ng school supplies, ready for the first day. Let's do the funk, let's do the first day funk! Noong unang apak ko sa isang lugar na nagtuturo ng kaalaman ay nagkaroon ako ng takot. Natakot ako kasi di ko kilala ang mga batang andoon. Drop! Considered as awol ang nangyari sa akin noong unang sabak sa isang nursery school. Damn! Sumuko ang bataan at umatras ang tapang ko at nag-emote na di ko kayang pumasok. Second attempt ay okay na kasi nakapag-adjust na ako. Ang bata-batuta ay di na takot maiwan sa unknown place with different stranger kids. Shet! May bonding na. Funny pero ngayong nagbalik-tanaw ako ay masasabi ko na ako ay ung unpopular kid o considered as alien kasi halos wala akong kakilala e. Lumipas ang kinder at nag level-up ako.

Grade 1, sa isang private school ako napadpad at doon ko nakilala ang mga friends na mgaiging blockmates ko. Always panghapon shift ko kaya same faces lang ang nakasalamuha. Though may times na divided sa dalawang section, okay lang kasi magkatabi ang rooms at may chance na magkita-kita after subjects at mag-exchange ng info.(Di talamak ang cheating kasi spoon feed method, kopya ng notes, imemorize-boom, winner). Pero gumuho ang first day strikes ko ng ako ay unfortunately naging pang-umagang session. Shit na malagkit! Anong sumpa ito? Na-isolate ako sa mga friends ko from grades 1 to 4. 'Tunayt, i olwiz go by on may own.......... ALONE!'. After ng pasok ay nag-iistay sa school at sasabay ako sa panghapon na school service(walang school bus) para pumuslit at umeps sa friends kapag break. Buti nalang at nabalik ako sa panghapon pagdating ng grade 6.



'First Day High', Parang kahapon lang ng todo iyak ako sa bahy at nagmumukmok kasi di ako sa same school mapapadpad. Instead na sa high school branch ako mapunta ay inilipat ako ng iskwelahan sapagkat yun yong time na nagmamahal na talaga ang tuition fee ng private school at grabe ang higpit sa payment (No pay, no exam). Eto din ang time na hirap sa paghanap ng money ang mga magulang ko kaya nilipat ako sa iba kasi pede ang promisory notes at may study now, pay later mode sila. Kakabog-kabog ang puso ko sapagkat panibagong pakikipagsapalaran to. First day ay laging ang introduce yourself day. Naaalala ko noong magkaroon ng twist ang introduction. Iside sa pagpapakilala sa sarili ay kailangan mo ding sabihin o iintro ung taong nauna sa iyo. Ewan ko ba pero naposes ako ng ewan at ang ginawa ko ay inispoof ko o inimitate ang lahat ng actions ng kaklase kong babae. Kinopya ko ang pahinhin na boses nia, ang paghawi ng buhok at pati nadin ang bawat pause and uhhhhhms nia pag nag-iisip.

Oheyaaaaaaa.! Oheya! (tugtog hey- yah ng starstruck) Yan ang promotor o sponsor ng first day sa college. Ewan ko ba at tila may pabonga epek ang kolehiyong aking pinasukan at may advertisements. Aside sa Oheya na chichirya ay may rexona din (first day funk ng parokya ang music). Bawat istudyante ay grinupo according sa course atsaka hinati into smaller part. Sa group na napasukan ko, at since previously all-boys school ang kolehiyo ay majority sa group ay kalalakihan. Apat lang ang babae na napunta sa group. Syempre ang mood ay girls ay magkakasama at boys magkakasama. Buntot lang ako at laging nasa hulihan kasi shy ako at walang kakilala until dumating ang other girl na cutie at poise na poise. Instead na sumama agad sa girls e ako ang unang nilapitan(totoy mode pa kasi at mukang harmless). Nakakatawa kasi habang magkasama kaming maglakad habang nagtotour sa Intramuros(Doon kasi ang Letran), ang ibang boys ay ansama ng tingin sa akin. Jackpot kasi! weeeee! Kaso Sa umpisa lang ang jakpat kasi may BF na pala si girl. Pero masaya ang experience noong first day na iyon.

Naikwento ko lang ito sapagkat nalalapit na ang simula ng pasukan at ito ang mga bagay na dumapo sa aking isipan.

1 comment:

  1. miss ko na rin mamili ng notebooks...tuwing napapadaan ako sa national bookstore parang gusto kong bilhin ung mga tipo kong notebook..lalo na yung ecology/nature ung theme! haha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???