Kahit tapos na ang eleksyon ay tila wala pading humpay ang usapang politika. Sa tv, sa radyo, sa blogs at sa facebook, walang katapusang politika. Ang medyo nakakaalarma ay tila wala pading kadala-dala ang pilipino sa pagboto ng mga artistang nais ngang maglingkod sa bayan subalit tila kalahati ng sarili ang kayang ilaan. Kaya heto ako at napaisip kung ano ang mangyayari kapag ang pinas ay pinatatakbo ng mga artista.
President Willie Revillame! Gash abelgash! Magiging noontime show ang ating bansa! Mapapa-HEP-HEP-HOORAY ang masang pilipino sa mga batas na kanyang iapagagawa! Sasayaw ang ekonomiya sa tugtog na giling-giling! Mapapa-tantaran-chuchurut-churut ang pipol sa pagsang-ayon sa mga adhikaing pansarili. Mukang lalaganap ang mass power dahil ang taong nagkaroon ng 75 na score noong gradeschool ang magiging cabinet members. Possible din umangat ang pera ng bansa basta nakalagay sa isang kulob na kahon na may hangin at kailangang ang mga tao ay may knock-knock jokes o motto of the day para matulungan. I wonder pano sya makikisalamuha sa foreign leader. Obama! Isa ka sa bigatin!
Vice-President naman natin si Boy Abunda. Huwow! Krissy! Ahahahahaha(tawang boy!) Sya ang katuwang ng pangulo. Since ang president ay medyo on the comedic side, serious side naman ang sa VP ng bansa. Siya ang katuwang natin sa pagpapalakas sa bansa. May kakayahan siyang ilabas ang magic mirror para magreflect ang taong bayan sa mga actions nila. Si tito boy ang magiging taga-urat ng mga pasaway na tao! Lagi nyang aalamin ang bottomline!
12 Senators:
Senate President Vice Ganda- May nagtext! sya ang pinuno ng mga senador ng pilipinas. Siya ang di mapapalitan sa senado kasi may immunity. Gamit ang mga kakaibang ballpens, magsusulat sya ng samu't-saring bills at laws na ipapasa. Kailangan din laging magpapasikat ang mga kapwa senator bago magstart ang session. Pag nagsisinungaling ang kasama, pede niyang tanungin ng.... YUNG TOTOO? at kapag naaagrabyade sya, susumbong nia kayo kay WOWA!
Other Senators:
Eugene Domingo
Allan K.
Ai-Ai delas Alas
Tuesday Vargas
Pooh
Chokoleit
Giselle Sanchez
Sweet Lapuz
Pokwang
Ethel Booba
Candy Pangilinan
Sila ang mga stand-up comedians na nakilala sa showbiz industry. Sila ang mga taong maykakayanan na magpagulong sa inyo sa kakatawa. Gusto nila ay maging happy ka! Since ang karamihan ng mga bumoto ay tila lugmok sa kalungkutan o depressed sa economic depression, sila ang maglilift ng spirit ng masang pinoy. Ang senado ay magiging comedy bar at lahat ng bills ay dadaan sa isang pachinco ball at ang makakapasang law sa kanila ay yung may tamang tono lamang sa pagkanta ng mga karaoke songs.
Para sa mga mayors ng major cities like Manila, Pasig, Marikina at Quezon City, patatakbuhin ito ng mga loveteams ngayon. Maaari silang pumili sa tambalang Kim and Gerald, Kris and Aljur, Barbie and Josh o Erich and Enchong. Sa pamamagitan ng tambalang loveteams ay maipropromote ang loyalty sa loveteam at ang pinoy ay posibleng maging stick to one. Ang tao ay matututo ng mga linyang galing sa Tayong dalawa, Last Prince, First Time at Katorse. Fallback ay possibleng matuto ng premarital sex o early blooming sa mga kabataan pero tila keber lang basta nagmamahalan ang dalawang tao.
Wow! Tila magandang kalalabasan ng pinas kung ganto ang mangyayari. Happy ever after ata ang kahihinatnan. Go go go masang pinoy!