Sunday, May 2, 2010

Khanto Pick: Flame of Recca



Isasama ko sa aking khanto pick ang manga version ng Flame of Recca sapagkat mas maraming bakbakan at mas exciting ang takbo ng kwento dito sa manga kung ikukumpara sa anime version.

Ang Flame of Recca ay kwento ng isang angkan ng mga ninja na may mga mahiwagang sandata. Ang angkan o lahi ng mga ninja ay nilusob at pinagpapaslang. Sa tulong ng isang babae, napag-time travel nia ang kanyang anak sa hinaharap para may mabuhay sa kanilang generation. Ang sanggol ay nagngangalang Recca.

Si Recca ay isang anak ng flame master at may kakayanan na magpalabas ng fire dragons. nakilala nia ang girl of his dreams na tinatawag niyang princess. Dito ay kailangan niang protektahan ang dalaga sa kamay ng masamang tao na nagnanais makuha ang powers ni princess na magpagaling.

tatakbo ang kwento sa pagtutulungan nila recca at ng mga kaibigan nia na protektahan ang prinsesa at kailangan din nila talunin ang mga taong gumagamit ng mga mahihiwagang sandata ng Hokage ninjas.