Linggo ng tanghali at di pinalabas ang replay sa solar tv. Asar! Inabangan ko pero wala. Sayang effort kaya para di mabigo ay nagpunta ako sa mall upang mamili at i-treat ang sarili ko. Habang nasa bus ako madami akongnakikitang nakasuot ng tshirt na nagpropromote na maging kind sa nature o be eco-friendly. Merong ding nakasuot ng mga plo shirt na may logo ng phillipine map at mga makabayan statement shirt.
Habang nasa mall ako at naglilibot, may nakita akong karatula sa shop na Bench saying na Eco is not a trend. Sa isang lugar naman, nakita ko ang isang shirt shop na may display ng tshirt na nagsasabing makabayan ba talaga o nakiki-uso lang. Napaisip ako kung ang mga taong nakita ko ay nakikiuso lang o sadyang may paki sa environment at may pagmamahal sa bayan.
Nag-hop pa ako sa isang mall at nakakita uli ng mga taong may suot ng makabayan shirt. Wow! Heavy! Ganda ng design, philippine flag colors sa mapa ng pilipinas. Cool. Di na sana ako kikibo kaso lang may napansin ako. Pa-inglis-inglis pa sa kasama na akala mo bagay sa kanya. Imagine bentong na nagtra-try mag-ingles. Grabe lang. Ok lang naman kung propesyon nia ay nangangailangan ng ganung salita o may kausap na dayuhan subalit ang kasama nia ay kapwa 100% pinoy. Nasaan na ang pagiging makabayan? Ang pinamili nia ay todo branded items. Para sa akin, tila napilitan lang ung taong yon na bumili ng damit na makabayan kasi yun ang kadalasang binebenta sa mga shop subalit di siya talaga makabayan.
Habang papauwi naman ako at naglalakad pabalik sa Robinsons, may nakita naman akong magjowaers na sweet-sweetan. Si girl todo higpit sa body ni guy na nakasuot ng eco shirt. Si guy naman ay parang wala lang at sarap na sarap sa pulupot ng shota habang nagyoyosi. Di ko din sana papansinin tong scenario na ito subalit si guy ay tinapon lang sa tapat nia ang cigarbutt. Seriously? Nagpropromote ng go green ang shirt pero ano ang ginawa ng kumag, magkalat?! Patheticness.
Para sa akin, sana ay instead na mag-mass production ng makabayan shirts at eco shirts e magfocus nalang muna sa promotion ng pagmamahal sa bansa at pag-alaga sa kalikasan. Atsaka sana lang ay wag magsuot ang tao ng damit na di naman nila kayang pangatawana. Masyadong contradictory ang gawa sa suot nila.
Magandang obserbasyon... sana lang me test muna bago pagbilhan ng mga eco friendly and patriotic shirts.
ReplyDeleteNice post! =)
mas magiging eco friendly ako with the shirts hahaha
ReplyDeletenagagandahan ako sa mga shirts!