Sunday, May 16, 2010

Down to the Last Hero!



Dahil sa di na ako makapaghintay na magtanghali ng linggo kaya nag search na ako sa pex kung may link sila ng youtube para sa latest episode ng aking inaabangan na show na survivor. Sa wakas at nakahanap ako ng hidden youtube link kasi sa youtube halos walang visible na episode. Yahoo. After mag-antay ng dalawat kalahating oras na magload ng buo ang 4 chop-chop episodes e pede na akong makanood.

Tumakbo ang episode sa ginawang pagboto ni kumag na Russell kay Danielle. Tapos Speculation, alliance, conivance etc. Matapos yon ay nakareceive sila ng Tree mail with Sprint cellphone na nagsasaan na ang reward challenge ay makakasama ng winner ang loved ones nila. May touchy moments ang mga survivor participants tapos go na sa challenge. Ang challenge ay ihahagis ang tubig sa loved ones para saluhin at makapuno ng timba. Nanalo si Jerry subalit imbis na ang ally nia na si Russell, Si Parvati at Sandra ang kanyang isinama. Ayon na nga at nahurt ang ego ng lalaki at nag-form ng alyansa sa Heroes.

Matapos ang reward ay nagkaroon na nga ng immunity challenge at nanalo si Parvati sa endurance/ concentration game. Di sya pedeng iboto. Sa camp, kinausap ni Sandra si Rupert na iboto si Russell pero boblaks ang big guy at chinuchu kay Russ na pinagkatiwalaan nia. Nagkaroon ng confrontationinanong kung sino mang may hidden immunity ay pedeng gamitin at ang boto sa kanya ay di counted. Tantararan! Nilabas ni Sandra si Sandra.

Sa tribal council, nahalungkat ang usapan sa camp at nagkaroon ng diskusyon. Yada-yada, blablabla ang drama tapos time to vote na. Nakaboto na ang anim at kinuha na ang PCOS(joke). Inanunsyo na last chance na para gamitin ang hidden immunity para mawalang bisa ang boto sa kanila. tantararan! Nilabas ni Sandra ang hidden thing na nakatago sa bra at sya ay ligtas. Boom! Chugi na si Rupert. Si Colby nalang ang nag-iisang hero at may apat pa na villains. yehey!

Nakaka-excite kasi May 16 daw ang season finale so lunes yon sa atin. Aaaaaaaargh! sabik na akong manood!


0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???