Friday, May 21, 2010

Khanto Pick: Detective Conan

Mula sa manga na naging anime, Detective Conan(Case closed) ang isa sa aking paboritong anime. Ito ay kwento ng isang high school student ng japan na anak ng isang artista at manunulat ng misteryo. Ang batang ito ay nahilig sa paglulutas ng mga kahina-hinalang bagay at mga misteryo o puzzles. Ang batang ito ay si Shinichi Kudo na isang junior detective.
Si Shinichi ay nakikipagdate sa kanyang childhood sweetheart/friend ng matuklasan nia ang isang krimen. Nasundan nia ang kriminal subalit ang kasamahan nito ang nakatuklas sa kanya at pinainom ng lason. Di nia alam kung malas o swerte sapagkat di sya namatay subalit ang katawan nia ay lumiit at naging grade schooler. Ninais niang mapanagot ang kriminal subalit tila kasama sa isang malaking sindikato ito. Habang naghahanap ng lunas ay pinangatawanan nia muna ang pagiging bata at nagtago sa pangalan na Conan Iikot ang kwento ng Detective Conan sa pagtulong nia sa noob na detective na si Kogoro Mouri.
Kaya ko nagustuhan ang detective conan ay sa mga kakaibang murder at crime scenes. para kang nanonood ng CSI pero cartoon version at may halong comedy at di makatotohanang bagay pero nakalulusot padin. Bagay ito sa mga mystery lovers at mahilig hulaan kung sino ang may sala sa mga taong kaduda-duda sa pagkamatay ng ibang tao.
Gumaganda ang kwento kasi medyo madami na ang characters sa manga at mas nakikilala ang ibat-ibang miyembro ng Black Organization na may kontrabida sa buhay ni Shinichi.
Conan, Detective boys at other characters


Shinichi with the Black Organization members