Di ko alam kung kamalasan lang o nambabadtrip lang ang panahon kasi sobrang init! Nakakainis ang init na dulot ng summer at El Nino. Nasa high na nga ang aircon sa kwarto subalit walang dating, ang aircon ay parang bintilador lamang na nasa number 1. Ang masama pa ay ang buga ng aircon akala mo nasa pugon ka at unti-unting bine-bake. Resulta? Kulang sa tulog/walang tulog. Di ko alam kung sa pagitan ng mga oras na pilit kong binabaliktad ang unan ko ay icocount sa pagtulog ko.
Nakakapang-init ang walang tulog o kulang sa tulog. 6pm na, di pa ako makatulog sa init, Ng unti-unti nang lumalamig sa kwarto, peste, pinatay ng ate ko ang AC! damn! Di pa sumasara ang mata ko e dilat nanaman sa init. Pagpasensyahan.... Lipat kwarto, binuksan ang bintilador, number 3, tutok ang ulo sa bintilador. Ambot! Di padin makatulog! Nagpasyang maligo ng maginhawaan. Ang tubig na galing gripo, di man lang nakapagbigay ng chills, akala mo naisalang ng saglit sa kalan kasi di ramdam ang lamig. Keri lang. Triny ko na matulog subalit wala na talaga! Shep! Bihis nalang ako at binalak na sa opis nalang kumuha ng tulog. Sa Byahe, ang init padin, tagaktak ang pawis na namumuo sa balat ko. Ang mata ay pupungaspungas sa antok!
Alas dose pa ang oras ng pasok ko at alas nuebe pa lamang. May 3 hours pa. Susubukan kong makanakaw ng idlip para di magtuloytuloy ang init ng ulo at makatulog sa training. May nakaready na akong plan para makatulog, sana ay maisagawa ko ito.
Hirap talaga matulog pag mainit ang panahon. Di pa nga kami nakakabili ng aircon ng misis ko. Ang ginagawa ko na lang ay maligo ng lubos at tumapat sa electric fan. Nakakatulog ng mababaw pero pwede na.
ReplyDelete=)
heheheh. di umepekto plano ko na matulog sa clinic sa opis. hehehehe.
ReplyDeleteang hirap talgang makakuha ng tulog kapag mainit. ako dalawang bintilador na ang gamit wala pa rin epekto.
ReplyDelete