Tuesday, May 25, 2010

Hitman Reborn!



Halos dalawang buwan na ng binili ko ang dvd series ng Hitman reborn sa quiapo pero kahapon ko lang siya nasimulan panoorin. Grabe! After 10 years ay ngayon ko palang nasilayan ang kwento ng anime na pinag-uusapan at kinababaliwan ng mga anime fanatic. Ngayon ko lang napagtanto na isa ang Hitman Reborn sa magandang anime.

Mafia ang theme ng anime series na ito. Dito ay makikilala ang bata na si Reborn na isang hitman tutor. Siya ay naatasan na pumunta ng Japan para turuan ang isang batang lalaki na nagngangalang Tsuna(di ko pa kabisado name). Si Tsuna ang 10th generation at ang susunod na Mafia boss ng isang kilalang mafia family.

Tuturuan ni Reborn si Tsuna na maging magaling na boss. Binibigyan nia din ng dying will ang bida na nagbibgay ng lakas for 5 mins. Kapag binabaril ng bala ni Reborn ang bida, nagiging aggresive ang tinamaan at nagiging powerful pero may side effect(nahuhubaran ito... Hanggang boxers lang).

Sa kwento ng anime na ito makikilala ang iba pang tao na makakasama ni Tsuna. May babaeng marunong magluto ng putaheng nakalalason, may batang baka na tulad ni Reborn na iyakin, isang batang siopao na sumasabog kapag napapahiya, kaklaseng ang specialty ay dinamita, kaeskuwela na magaling ang reflex sa sports at iba pa.

Ang hitman reborn ay isa na sa mga anime na kasama sa aking listahan ng okay anime.

2 comments:

  1. hmmp amg masasabi ko ay di naman iyakin si reborn ahh!magkatulad lang sila nang laki ni reborn but di iyakin si reborn!

    ReplyDelete
  2. maganda talaga ang Katekyo Hitman Reborn na anime.. and maganda rin sa manga :))
    Lalo na yung Ring Conflict arc at Future arc :))
    talagang maganda ^^

    whew, i just cant get over with HDW tsuna ^^

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???