Monday, May 10, 2010

Here Comes the Bride!

Nanonood ako ng tv ng kinomercial ito sa channel 2. Eto ay isang comedy movie na pinagbibidahan ng mga comedians na dating channel 2 na namamayagpag sa ibang istasyon. Kasama din dito ang hot na si Angelica Panganiban at Tom ng PBB double up.

Kwento ito ng isang hot girl na ikakasal sa isang hot boy at gaganapin ang kasal sa beach. Imbitado ang Ninang, ang yaya, lolo at ang beautician. Pero may naganap na eclipse at nagkabunguan ang mga sasakyan nila at nagkapalit-palit ng katawan. Si Hot girl Angelica ay napunta sa Ninang na si Eugene Domingo. Si Ninang ay sumapi sa katawan ni Yaya Tuesday Vargas. Lumipat ang soul ni Yaya kay Lolo Jaime Fabrigas. Dumapo ang katauhan ni lolo sa beautician na si John Lapuz. Last ay ang joklush beautician ang nag-take-over sa hot body ni Angelica. Riot to!

Eto ang trailer.